Chapter 23: Raphael's Dilemma

96 4 0
                                        

Chapter 23:

Raphael's Dilemma

Ariel

Ilang minuto lang ay narating na namin ni Gab ang sinabing ospital ni Raphael.

Agad kaming tumungo sa receptionist para itanong kung nasaan naka-admit si Micah Angela Key at agad na tinuro kami sa quarantine room sa dulo ng first floor.

Nagpasalamat kami sa nurse na nagsabi at nagtungo na diretso sa lugar na iyon.

Pagdating namin sa lugar na iyon ay agad kong hinanap si Raphael.

Nakaupo siya sa isa sa mga upuan sa waiting area malapit sa pintuan nang quarantine room.

Nakayuko ito at nakahawak ang kanyang kamay sa kanyang mukha.

"Gab, hanapin mo muna si Micah sa quarantine room. Ako na muna ang kakausap kay Raphael." utos ko kay Gab.

Agad namang tumango si Gab at inalalayan na siya ng nurse para makapasok sa quarantine room.

Sinuotan muna siya ng ilang personal protection gears bago tuluyang pinapasok sa loob.

Pagpasok niya sa loob ay umupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Raphael.

"Raphael." tawag ko sa kanya.

Itinaas niya ang nakayuko niyang ulo. Pinunasan nang kanyang kaliwang kamay ang mata niyang lumuluha kanina.

"Nandyan ka na pala,  Ariel. Pumasok ka sa loob para makapag-usap kayo ni Micah. Pinasok na siya kanina kahit anong pilit niyang sabi na kakausapin ka raw muna niya." tila walang emosyong sabi ni Raphael.

Hinimas ko ang kanyang likuran gamit ang kanan kong kamay.

Kilalang-kilala ko na si Raphael.

Sa oras na maging emotionless ang tono ng boses niya ay masakit ang nararamdaman nito sa kanyang kalooban.

Bakit ganito ba ang reaksyon niya?

Patay na ba si Micah?

"I think I should talk to you first. Dinala mo si Micah sa ospital na ito na ganyan ka? Paano siya lalaban kung nanghihina rin ang kanyang kakapitan?" tanong ko kay Raphael.

"Hindi ako ang nagdala sa kanya dito, Ariel. It was tita,  your mom. Positive din si Tita." ani Raphael.

Tila gumulo ang mundo ko nang sabihin iyon ni Raphael.

Pati si Mama?

"Isang kasamahan ni Tita sa Rosary Prayer ang unang nag-positive sa COVID-19. Nahawaan lang si Tita pati na rin si Micah. The Philippines is already thinking for a lockdown. Pinababalik na ako sa US but I want to stay here. It seems like there is a reason for me to stay here. Hindi ko alam ang gagawin ko. I can't leave them alone. Pag hindi naman ako umuwi,  baka bumagsak ako. I don't know what to do anymore." saad ni Raphael.

After long years,  I saw the hopeless state of Raphael.

Kapag ganito na siya ay mahirap na siyang payuhan. He's too preoccupied that he can't absorb the advice of the other people.

"Kailangan mo munang kumalma,  Raphael. Then, I'll tell you my answer." sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya.

Ilang beses siyang huminga ng malalim bago ako muling tinitigan.

"Ariel,  tell me,  what should I do?" tanong niya na mukhang kalmado na siya dahil nararamdaman ko na ang eagerness niyang malaman ang kasagutan sa tanong niya.

"Pray,  Raphael. Mukhang nakalimutan mo na 'ata kung sino ang guardian angel mo. Remember,  Tita Angelica, always mention that to you." payo ko sa kanya.

Since we were younger,  Tita Angelica,  Raphael's mom,  always reminds Raphael that his guardian angel is the Archangel of Healing himself kaya raw bihirang-bihira na magkasugat noon si Raphael. Mabilis ding gumaling si Raphael noon kapag nagkakasakit siya dahil pinagagaling daw siya palagi ni Archangel Raphael. Yun ang pangunahing dahilan kung bakit gusto niyang maging doctor. He wanted to heal sick people so that his angel will be proud of him.

Pero nabago ang paniniwalang iyon nung lumalalaki na si Raphael. He forgot his drive why he enrolled himself in a med school.

"Do you think he will going to hear me?" tanong niya sa akin nang may pag-aalinlangan.

Nginitian ko siya ng napakatamis na ngiti.

"What makes you think that he will not going to hear your prayers?" sabi ko sa kanya at nagpaalam na akong papasok sa loob para makausap si Micah.

Sana matauhan si Raphael sa sinabi ko.



Raphael

Pagkaalis ni Ariel ay muli akong nagpakawala nang buntong-hininga.

In times of danger and hopelessness, palagi kong tinatawag si Archangel Raphael. For some reason,  I always believe that he is my guardian angel.

Ayoko nang iasa sa kanya ang lahat.

I want to think a solution on my own without his help.

Nasa ganito akong meditation nang bigla kong maalala ang tunay na dahilan kung bakit ko siya madalas na hinihingan nang tulong noon.

He's one of the nearest server of God that I know. I believe that he's my medium to reach God. He's one of his faithful messenger after all.

Hindi naman sigurong masama na umusal muli ng panalangin sa kanya.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinagdikit ang aking mga palad.

"Panginoon na makapangyarihan sa lahat,  ipagpaumanhin po ninyo kung muli ay nais kong ipahiram ninyo sa akin si Archangel Raphael na siyang inatasan ninyong magpagaling ng mga karamdaman. Let You command him to heal the illness that Micah and Tita is already experiencing. I know I am not worthy to wish for such things but You are my only hope. You are my only chance.  Amen." dasal ko at hindi ko namalayan na dinala na pala ako nang antok.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon