Chapter 28: Releasing the Hope

100 7 0
                                    

Releasing the Hope

Raphael's POV

Pagdilat ko nang aking mata ay nakarating ako sa isang lugar na walang kahit na ano kundi puting background.

Nasaan ako?

Ang huli kong natatandaan ay nasa lupain ako ni Greed at natalo ko siya, kinuha ko ang box at...

Tinignan ko ang aking nakakuyom na palad.

Hawak ko ang susi.

Kulay berde ito may kakaibang disenyo.

Dito kaya sa lugar na ito ko matatagpuan ang pintuang isasara?

Bahala na.

Naglalakad-lakad ako at nagbabakasakali na nandito lang iyon ngunit tila walang katapusang kawalan lang ang nakikita ko.

Napalunok na ako nang mapansin ko na tila hindi ako umaalis sa pwesto ko kahit na ilang beses na akong humakbang.

Anong lugar ba talaga ito? Bakit ako naririto?

Maya-maya pa ay sari-saring boses na ang naririnig ko.

Lahat sila humihingi nang tulong. Lahat sila nais mailigtas.

Ngunit ang tanong nasaan sila?

Ipinikit ko ang mga mata ko at sinundan ang mga tinig ng naghihiyawang mga tao.

Habang naglalakad ako ay papalapit nang papalapit ang tinig nila. Papalakas nang papalakas ang kanilang pagsamo.

Nakaramdam ako ng pananakip ng dibdib.

Bakit kailangan ng mga taong ito ang makaramdam ng ganitong sakit? Bakit kailangan nilang maramdaman ang ganitong paghihirap?

Nang lalo ng malakas ang tunog ay idinilat ko na ang mga mata ko at ang mga luha sa mga mata ko ay tumulo.

Mula sa kawalan na kinatatayuan ko ay nakikita ko ang mga taong nakikibaka upang madugtungan ang kanilang mga buhay.

Ang karamihan sa kanila ay maraming nakatusok at nakakabit na aparato na siyang nagpapanatili sa kanilang buhay.

May iilan ding nurses at doctors na naka-confine sa ospital na iyon at umiiyak dahil hindi nila magampanan ang sinumpaang tungkulin dahil sa karamdaman.

Ngunit may nakakatuwa namang bagay akong nakita ito ay ang mga nurses at doctors na gumagamot sa mga patients na ito at nagbibigay pag-asa na sa ibang nais nang sumuko at mga taong nagdarasal para sa kagalingan ng mga kababayan nilang natamaan ng sakit na ipinakalat ni Greed.

Nakita kong lumiwanag ng berde ang hawak kong susi.

Dasal... Isang dasal mula sa milyong-milyong tao sa mundo ang siyang tunay na pag-asa.

Ang siyang magbibigay hudyat sa susi na ito upang isara na niya ang nabukas na lagusan.

Wala nang mas huhusay at mas makapangyarihan pa kaysa sa panalangin.

Muli ay pinikit ko ang aking mga mata, dinama ang makapangyarihang presensya ng Panginoon, at kasabay ng milyong-milyong tao sa mundo ay nag-usal ako ng isang panalangin.

"Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay aming pinagpupurihan at itinataas. Salamat sa buhay na siyang maipinagkaloob Mo sa aming lahat. Nawa'y tulungan Mo po ang lahat ng mga taong nasa bingit ngayon ng kamatayan. Sila po'y himasin ng Inyong mapagpagaling na mga palad. Hayaan Mo po silang magpatuloy sa buhay nila. Hayaan po Ninyo na gamitin ang aking kaluluwa upang sila ay mailigtas. Bigyan po Ninyo ako ng kapangyarihan na ipadala sa kanila ang pag-asa na kanilang hinihintay. Sa tulong ni St. Rafael, the Archangel, ipahiram po Ninyo ang mapagpagaling Ninyong Kamay. Amen." usal ko.

At mas lalong nagliwanag ang hawak kong susi at sa isang iglap ay naging berde ang dating kawalan at nagpakita ang isang pintuan.

Sa pintuang iyon ay naghihintay si Archangel Raphael.

Ngumiti siya sa akin.

"Isarado mo na at sila'y gagaling na." ani niya.

Tumango ako sa kanya.

Lumapit ako sa pintuan na iyon at ipinasok sa saraduhan ang aking susing hawak.

Pagkapasok ko nang susi ay pinihit ko ito.

Muling lumiwanag nang berde ang paligid bago ko namataan ang aking sarili sa ibang lugar.

Sa huling lugar kung saan namin iniwan nila Ariel ang iba kanina.

Wala na ang microscopic field ni Benny at tumigil na rin ang pakikipaglaban.

Naroon na rin si Ariel at Gab na nakangiti akong sinalubong.

"Nagtagumpay ka, Raph. The situation about the virus is now controlled. Unti-unti nang gumagaling ang mga natamaan nito. Hindi na ito kakalat pang muli." ani Ariel sa akin.

Umiling ako.

"It is not me who made the situation controlled, it is the powerful prayer." sagot ko sa kanya.

Ngumiti si Ariel sa akin.

"You are as faithful as before, Raph. Lend us your power to end this things." sabing muli ni Ariel.

Walang dalawang isip akong tumango.

From there, a new hope release... a hope that everything will be back to normal soon.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon