Chapter 52: Is it the End?
Ariel Jasmine Lee
"You did well, my dear daughter. You found the seven archangels, closed the door and ended the hell. You are a faithful servant, a real friend and a devoted child. I am now let you return to the life that once you had. Thank you for helping the Heaven, Ariel." bulong ng isang mahiwagang tinig sa akin at ng matapos niya ang kanyang lintanya ay dahan-dahan kong naibukas ang aking mga mata.
Bumungad sa akin ang isang puting kisame.
Kisame?
Ang huli kong natatandaan ay nasa gitna kami ni Gab ng nagbabagang apoy.
Nasa harapan namin ang hari ng impyerno at tila nawawala na siya sa sarili.
Gumuguho na ang lupang kinatatayuan namin habang nagagalit ang hari.
Out of desperation ay naghawak kami ng Gab ng kamay at umusal ng isang panalangin.
Then, we blinded by the holy light that engulfed the whole place.
So, is this heaven?
Sa pagkakaalala ko ay wala ring puting kisame ang silid ng kalangitan. Wala nga itong kisame dahil sa itaas ay makikita mo ang mga ulap at nakalutang ang bawat kwarto na maaakyat mo lamang dahil sa gintong hagdanan.
So, nasaan talaga ako?
"Thanks, God, you already awake. Micah, tumawag ka ng doctor. Your best friend is already awake." rinig kong sabi ng aking ina.
Doctor? Am I in the hospital?
Pagkarinig ko ng kanyang boses ay napalingon ako sa kanyang gawi.
Wala pa ring pinagbago ang aking ina. Mahaba pa rin ang kanyang buhok na kakikitaan na ng iilang puting hibla at nangungusap pa rin ang kanyang mga mata na kapansin-pansin ang paglalam. Maputla na ang kanyang mga labi na mukhang nakalimutan niya ang kanyang lipstick at naka-daster lamang siya.
Kung may pagbabago man ay iyon ay ang pagkakaroon niya ng malaking itim na bilog sa ilalim ng kanyang mga mata.
"Mama." tawag ko sa kanya.
Medyo garalgal pa ang aking boses nang banggitin ko iyon.
Mabilis na nagsipatakan ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata nang siya'y tawagin ko.
Tila nakita ko ang aking ina nung mga panahon na unang beses ko siyang tinawag.
Lumapit siya sa akin.
I stretched out my hand to wipe those tears that falling from her eyes.
"I - am - here, Ariel. I - am -here."mauutal-utal na saad ng aking ina.
Ngumiti ako at nginitian niya ako pabalik.
"What happened? Bakit po ako nasa ospital? Paano po ako napunta rito?" tanong ko sa kanya.
I don't even remember how we left hell or even how we defeat Satan.
"May gumuhong poste sa choir room pagkabalik mo para kunin ang cellphone mo. A sakristan named Gabriel helped you out at natamaan din siya ng nahulog na poste. Tumawag si Joseph ng ambulance at nadala kayo rito but both of you are unconscious for three months already. Good thing at nagising ka na." paliwanag ni Mama.
Napakunot ang aking noo.
Kung gayun ay tatlong buwan lang pala ang lumipas.
Ibig sabihin noon ang paghahanap ko sa pitong arkanghel, ang pagkakilala ko kina Franz, Benedict, Zach, David, at Gab, paglaban namin sa pitong deadly sins at ang mga paglalakbay namin sa purgatoryo, langit at impyerno ay parte lamang ng isang napakahabang panaginip?
BINABASA MO ANG
Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)
AdventureAriel succeeded to revive the seven archangels of heaven. But, there is one thing that they need to settle. There is still a war between angels and devils. Reasons are not yet given. Origin is not yet revealed. Let us join them again as they settle...
