Chapter 5: The Oath-taking Ritual
Ariel
Friday comes fast. Halos Hindi ko nga namalayan kasi nga wala naman akong trabaho. Hindi ko rin naman macontact si David kasi naiwala ko yung papel na pinaglagyan niya ng number niya. Number niya nga kaya yun? Hindi ko rin naman ma-contact ang iba dahil sa tinatamad akong magpaload.
Nanood na lang kaya ako ng kung ano mang palabas sa T.V. kahit hindi ako interesado sa palabas nang may mag door bell sa unit ko.
Agad ko namang binuksan ito.
Laking gulat ko nang makita ko si Josh sa harap ko. Ano na naman ang naisip nang anghel na ako at nagpakita na naman sa anyo ng isang tao?
"Hey. Good morning, Ariel. Do you like my place?" kampante niyang tanong.
Nginitian ko siya na siyang sinagot niya rin ng isang ngiti.
"Thank you for making me borrow your place. Nagustuhan ko sobra. Bakit ka nga ba nandito?" sabi ko sa kanya pagkatapos ng aming batian sa pamamagitan ng ngiti.
"Ngayon ang oath taking ceremony ni Gab, diba. Nandito ako para masaksihan iyon. Nasabi ko na rin kay Zach na ako na ang maghahatid saiyo roon." sabi niya sa akin.
Shoot! Ngayon na pala yun. Nakalimutan ko ha!
"Uhmm.. pwede maligo muna ako at magbihis ng disente?" request ko sa kanya na siyang pinagbigyan niya tapos tinulak niya ako papuntang banyo.
"Ariel, just call me kapag tapos ka nang mag-ayos. Iwan muna kita. May sasabihin ka pa?" sambit niya sa akin.
"Uhmmm.. Pwedeng sa sakayan na lang ng bus mo ako hintayin? May maghihintay kasi roon eh!" request ko ulit.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"Sino naman ang hihintayin mo roon?" tanong niya para maibsan ang kanyang pagtataka.
"Isa sa mga susi para buksan ang pinakamakapangyarihang sandata ng langit na gagamitin daw natin sa digmaan ayon kay Seraphiel." direktang sagot ko habang binuksan na ang gripo para punuin ang bath tub.
"Kailangan ba talagang gawin yun?" tanong niya muli na tila alam na kung ano yung tinutukoy ko.
"In case na madehado tayo." sambit ko pa.
Nang masatisfy na siya ay nagpaalam na na aalis na. Sinabi niyang susunduin pa rin niya ako para makasigurado siya kung saang bus terminal. Pumayag naman na ako para makaligo na ako.
Maya-maya pa, natapos na ako sa paliligo. Nagbihis ako ng isang simpleng puting dress na may strip na gold sa gilid. Hindi kasi ako sure kung ano ang dapat na attire.
Tinawag ko si Archangel Jophiel via his incantation na siyang ni-respond niya ng mabilisan.
Maya-maya lang ay bumaba na kami sa ground floor kung nasaan yung kotse niya. It is the same car na ginamit namin ng first time kaming magkita uli.
Later on, narating na namin yun bus terminal na hinintuan ko nun. Sakto lang 'ata ang dating namin dahil naroon na si David. Nakasuot siya ng green na polo at nakapantalon.
Pinababa ko kay Josh yung bintana ng kotse para tawagin si David.
"David, hop in." tawag ko sa kanya.
Nakita kong hinahanap na kung sino yung tumawag sa kanya hanggang sa natanaw niya ang kotse ni Josh.
"Hey, Ariel. I presume that he was Zach. Siya yung sumundo sa iyo eh." bati niya habang tinitignan si Josh sa driver seat.
BINABASA MO ANG
Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)
AdventureAriel succeeded to revive the seven archangels of heaven. But, there is one thing that they need to settle. There is still a war between angels and devils. Reasons are not yet given. Origin is not yet revealed. Let us join them again as they settle...
