Chapter 11: The Monster's Souls

226 9 0
                                    

Chapter 11: The Monster's Souls

Third Person

Naghiwalay nga si Cham at si Ariel. Sa bandang kanan pumunta si Ariel at sa kaliwa naman si Cham. Bawat hakbang nila ay may nakaabang na mga halimaw. Ang karamihan ay mahina lamang na kayang isang wasiwas lang ngunit may iilang malalakas.

Ang mga nasabing kalaban ay mga nilalang na may mukha ng isang werewolf, pakpak na itim ng isang fallen angel, sungay ng demonyo at buntot na ahas. Ang mga halimaw na ito ay karaniwang kumakain ng kaluluwa ng mga taong namatay na. Sila ang mga halimaw sa purgatoryo.

"Ikaw, ang siyang nagkulong kay Master sa yelo. Papatayin kita." banta ng halimaw kay Ariel.

Nagtataka si Ariel kung sinong master ang tinutukoy ng halimaw na ito.

Lihim na tumawa si Ariel. Apoy ang kapangyarihan niya kaya papaano siya nakapagkulong ng isang halimaw sa yelo.

Pinakita ni Ariel ang umaapoy niyang espada sa kalabang halimaw.

"Halimaw, mukhang nakakamali ka ata. Apoy ang kapangyarihan ko at hindi yelo." nakangising sabi ni Ariel at inilapit sa halimaw ang sandata.

Naramdaman ng halimaw ang init nito kaya napalayo siya kay Ariel. Mukhang nagkamali siya.

"Bakit lumalayo ka? Magkalaban tayo diba?" pang-aasar ni Ariel sa kalaban at winasiwas ang kanyang espada rito.

Nakailag ang halimaw kaya't hindi man lang siya nasunog. Marahil hindi nga ito ang nagkulong sa master niya sa yelo pero isa pa rin siyang kalaban.

Gumawa ng itim na espada at nakipag-espadahan kay Ariel. Nagulat si Ariel sa pagiging biglaang agresibo ng kalaban ngunit hindi siya makakapayag na masugatan nito. Nakipagsabayan siya rito sa isang espadahan.

Sa kabilang banda, nakakapatay rin si Cham ng mga halimaw. Halatang hindi pa siya sanay sa pakikipaglaban dahil sa hindi pa man siya nakakalayo ay pinagpapawisan na siya. Good thing at naglaro siya ng fencing nung high school siya kaya marunong siyang gumamit ng espada.

Maya-maya, isang babaeng may itim na pakpak at pulang sungay ang sumalubong sa kanya. Ibang-iba ito sa mga nakalaban niyang halimaw at halatang nakakaintimidate ang aura niya. Bahagya pa ngang napaluhod si Cham sa lakas ng aura na nilalabas nito.

"Tsk. Mahina lang pala ang mortal na naging dahilan ng pagkakakulong ni Tempesta sa yelo. No thrill." bakas sa tinig nito ang pang-iinsulto.

Sa inis ni Cham, bigla na lang siyang nakatayo despite of the aura na nilalabas ng babaeng kalaban. Nanginginig man ay nagawa ni Cham na labanan kung anumang pwersa ang nilalabas nito.

"You don't have rights to insult me like that. You don't know who am I." halata pa rin ang panghihina ngunit confident na sabi ni Cham.

"Hahahaha! Wag kang matapang, mortal. Kilala kita. Ikaw si Benedict Chamuel Lozaga, ang alaga ni Archangel Chamuel. Minsan ka ng nalinlang kaya't wala ka ng laban. Ako ang Manipulator." tumatawang sabi ng kalaban.

Lalong bumakas sa mukha ni Cham ang nais na talunin ang mayabang niyang kalaban. Bigla niyang naalala ang isang bagay. Siya ang master ng lugar na ito. Siya ang lumikha ng ganitong ilusyon.

Gamit ang kanyang isip ay kinontrol niya ang ilang mga lamesa't upuan at pinatama ito sa kalaban niya.

Ikinagulat ito ng kalaban kung kaya't hindi niya ito nailagan.

Sa nangyaring iyon, lumakas ang kumpansya ni Cham at unti-unti niyang nare-resist ang aurang nilalabas ng kalaban hanggang sa tuluyan na niya itong nalabanan.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon