Chapter 12: Closing the Dimension: First Sin, Lust
Benedict Chamuel Lozaga's POV
Gusto ko sanang itanong kung ano ang pangalan ng anghel na gabay ko na siyang nag-utos sa akin na hanapin ang bukana ng sinasabi niyang dimensyon na hindi ko masyadong tiyak kung ano. Gusto kong balikan si Ariel o kahit man lang ang nilalang na iyon para maitanong ko kung bakit. Ang totoo niyan ay wala na akong maintindihan sa sitwasyon na ito. Masyado ng magulo at walang kasagutan ang mga tanong sa isipan ko.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa kung saan mang direksyon. Winawasiwas ang espada pag may kalaban dahil hindi ko naman alam kung paano gagamitin ang binigay niyang potion. Wala ring akong direksyong patutunguan kasi hindi ko naman naintindihan yung pinahahanap at pinasasara niyang dimensyon ngunit gayunpaman ay nagpapatuloy pa rin ako.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng isang mahiwagang tinig.
"Anak ko, diretsuhin mo ang daanang iyan ay makikita mo ang isang rosas na lagusan. Ang pagsubok ay harapin ng may pagkilala sa akin." sambit nito sa kanyang mahiwagang tinig at bigla na lang nahawi ang kumpol ng mga kalaban at nakagawa siya ng isang daanan.
Hindi ko Siya nakikita ngunit Siya ay aking nakikilala. Sapat na ang milagrong ginawa Niya para malaman ko kung sino Siya. Sapat na rin iyon para mapatunayan ko na hindi imposible ang pagsubok na ito basta kasama Siya.
"Maraming maraming salamat, Diyos Ama." banggit ko nang nakangiti at tinahak ang daanang ginawa niya para sa akin ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko na ang kanyang haplos.
"Binabasbasan kita, anak. Nawa'y matagumpayan mo ang pagsubok na binigay ko sa iyo." sambit niyang muli at naramdaman ko na tila niyakap niya ako sa pamamagitan ng hangin.
"Hindi po kita bibiguin, Diyos ko." banggit ko sa kanya at buo ang loob na tinahak ang landas patungo sa sinasabi niyang rosas na dimensyon.
Nawala ang lahat ng pag-aalinlangan sa puso ko at tuloy-tuloy na inihakbang ang mga paa tungo sa pintuang iyon.
Wala man akong labis na karanasan, alam ko namang malapit ako sa kanya. Sapat na iyon para mapagtagumpayan ko ang pagsubok na inilaan niya para sa akin.
Ilang minuto pa ay tuluyan ko ng narating ang sinasabi niyang dimensyon. Isa itong rosas na pintuan na tila kalawakan ang nasa loob. Maya-maya't naglalabas ito ng mga halimaw na hindi ko mawari kung ano basta't alam ko ay katulad din siya ng mga nakalaban kong halimaw.
"Paano ba kasi isasarado ang lagusan na ito?" tanong ko sa aking sarili habang patuloy na tinatalo ang nagsisilabasan doong mga halimaw.
"Ako alam ko kung paano." bigla kong rinig na bulong ng isang boses na hindi pamilyar sa akin.
Napakalambing ng boses na iyon ngunit alam kong hindi iyon galing sa Panginoong Diyos.
"Sino ka? Magpakita ka sa akin?" matapang na sabi ko habang mahigpit na hinahawakan ang illusion sword ko.
Maya-maya pa ay biglang dumilim ang paligid. Narinig ko ang pag-ungol ng mga halimaw na nasa loob pa ng dimensyon. Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon sa katawan ko. Mula roon ay lumabas ang isang napakagandang babae. Pula ang kanyang kasuotan at itim na itim ang mahaba niyang buhok. Napakapula rin ng kanyang mga labi. Tunay na kaakit-akit ang babaeng ito. Halos mahahalintulad mo sa isang diyosa ng kagandahan.
"Halikan mo ako ng buong pagnanais. Sapat ako si Lust, ang bantay ng rosas na pintuan." sambit nito sa napakalambing at kaakit-akit niyang boses.
Tila hinihipnotismo ako sa pamamagitan ng kanyang tinig. May kung anong elements ang nagtutulak sa akin na sundin ang nais niya.
"Kung ayaw mo naman, ibibigay ko sa iyo si Ariel, ang babaeng pinapangarap mo. Dalhin mo siya sa kakaibang langit." muli niyang banggit sa nag-hihipnotismong tinig.
"Si Ariel, ang babaeng gusto ko ay maibibigay mo sa akin?" tanong ko.
"Oo. Halikan mo lang siya at iyong-iyo na siya." panghihikayat pa niya.
Hahalikan ko lang si Ariel at dadalhin sa kakaibang langit ay masasarado ko na ang pintuang ito? Napakasaya naman pala nito.
Lalakad na sana ako palayo para balikan si Ariel ng marinig kong muli ang boses ng Panginoon sa utak ko.
"Ang pagsubok ay harapin nang may pagkilala sa akin." echo nito sa utak ko.
Ang pagsubok ay harapin nang may pagkikilala sa Kanya? Asan ang Diyos sa desisyong gagawin ko? Kung sakali mang halikan ko si Ariel, magugustuhan niya ba ako? Masisiyahan ba siya sa gagawin ko? Isa pa, wala namang bagay na nakukuha sa madaliang paraan.
"Ano na, maglakad ka na't ituturo ko ang daan patungo kay Ariel at gawin mo na kung ano ang nais mo. Iyo na siya." sambit pa nito.
Bahagya akong humarap sa kanya. Nakita ko bigla ang pulang sungay sa ulo niya at ang kanyang itim na mga pakpak. Sa paningin ko'y bigla naging pula ang kanyang puting kutis. Siya na nga 'ata ang deadly sin na si Lust.
"Hindi ako susunod sa isang demonyo. May iisang Diyos ako na kapanalig. Siya lang ang susundin ko." matapang na sabi ko at tuluyan siyang hinarap.
Nakita ako ang pagkuyom ng kamao niya.
"Kung ganon pala, ipaglaban mo sa akin ang Diyos na sinasabi mo." sambit niya sa kanyang kakilakilabot na boses. Kakaiba ito sa malambing na boses na ginamit niya kanina.
Nag-usal muna ako ng isang panalangin bago tuluyang harapin ang kalaban ko.
Ito man ang unang beses na nakaharap ako ng demonyo ay malakas ang loob kong kalabanin siya lalo na ng marinig kong muli ang tinig ng Panginoon at ang anghel na gabay ko,
"Narito lang kami. Manalig ka lang." rinig kong sambit nila sa akin na siyang lalong nagpalakas ng loob ko.
Sisiguraduhin kong sa laban na ito, hinding-hindi ako matatalo.
BINABASA MO ANG
Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)
AdventureAriel succeeded to revive the seven archangels of heaven. But, there is one thing that they need to settle. There is still a war between angels and devils. Reasons are not yet given. Origin is not yet revealed. Let us join them again as they settle...
