Chapter 22: Unexpected Happenings.

85 4 0
                                    

Chapter 22:

Unexpected Happening

Ariel's POV

Tatlong araw pagkatapos ng pagsasara ng Violet Dimension ay inanyayahan na kami ni Sir Solomon sa kanyang mansyon para pag-usapan ang susunod pa naming mga hakbang.

Ngayon ay naririto kami sa van na pagmamay-ari ni David para tumungo sa De Sevelles Dimension.

Ayon kay Sir Solomon ay pwede na raw kaming tumungo roon dahil wala na ang aninong sumusunod kay Franz.

Speaking of Francis,  sa kasalukuyan ay bahagi na si Francis ng isang organisasyon sa aming simbahan na siyang tumatayong mga ushers sa misa.

We're so happy to him since he dedicated himself to God already.

"Ariel?" narinig kong tawag sa akin ni Gab.

Mukhang nahulog na naman ako sa malalim na pag-iisip.

"May sinasabi ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Kanina pa tinatanong ni Gab kung anong order mo?  Magiistop over muna kasi tayo sa drive thru na iyon bago tumuloy sa byahe. Nagugutom na raw si Franz eh." ani Zach.

Sinamaan siya ng tingin ni Franz na siyang tinawanan lang ni Zach.

"Burger and fries." sabi ko na lang kay Gab.

"Benny,  narinig mo burger and fries daw. Paano ba yan si David ang kaparehas niyang order? Mukhang sila ang meant to be." asar ni Zach kay Cham.

Tinawanan lang siya ni Cham at David.

Ako naman ay namula sa sinabi ni Zach.

Tama ba namang gawing batayan ng pagiging meant to be ang parehas nang order?

"Ikaw na lang kaya ang mag-order sa labas,  Zachary,  tutal panggulo ka lang dito eh!" sabi ni Arch.

Binuksan niya ang pintuan ng van sa side ni Zach at tinulak palabas si Zach sa van.

No choice tuloy si Zach at siya na ang umorder.

If this is also a dream,  I will not going to let myself wake up.

Dahil wala na nga si Zach na siyang nag-iingay sa van ay tumahimik ang loob nang van kaya nagpasya si David na buhayin ang stereo ng kanyang sasakyan.

Pagkabukas niya ng stereo ay isang balita ang siyang gumambal sa aming lahat.

Dahil busy kami sa pagsasarado nang mga dimensyon ay hindi na namin alam kung ano nang nangyayari sa paligid.

Mayroon na pa lang pandemya na kumakalat sa buong mundo ngayon.

Kilala iyon sa tawag na COVID-19. Isa raw itong bagong corona virus na pumipinsala sa respiratory system nang isang tao. Ayon pa sa balita, ang ilan sa symptoms ng sakit na ito ay mga simple lamang tulad ng tuyong ubo,  lagnat at mahirapang paghinga.

"Grabe na talaga ang nangyayari ngayon. I think it is a sign from heaven on who we should awaken next." ani David sa amin.

Nagkatinginan kaming lahat na nasa loob ng van.

A pandemic virus... Should we need to close the green dimension?

"Raphael. Si Raphael Lee na ang susunod." ani Zach na hindi naming namalayan na nakapasok na pala sa loob ng van.

Raphael Lee is the holder of the gift of healing ni Archangel Raphael.

Siya na nga ba ang dapat na sumunod?

I am thinking that way when my phone suddenly rings.

It was a call from Raphael Lee,  my cousin.

Simula nang makaalis ako sa ospital nang araw na iyon ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumawag si Raphael sa akin.

He knew that I am in vacation so he decided to not bother my leisure time with myself kaya anong dahilan kung bakit siya tumatawag?

"Sagutin mo na muna iyan bago ko ibigay itong order mo baka importante eh." sabi ni Zach sa akin.

Siguro ay napansin niya ang pag-aalinlangan kong sagutin ang tawag.

Sumenyas akong tumahimik sila bago pinindot ang green button.

"Hello, cous, napatawag ka?" tanong ko sa kanya sa pinakamasaya kong tinig.

"Hello too. Naabala ba kita?" ganting tanong niya sa kabilang linya.

"Hindi naman. Nag-rerelax lang naman ako rito. Bakit may importante ka bang sasabihin?" tanong ko sa kanya.

Pagkatanong ko nun ay tila naramdaman ko ang pagiging tense nang nasa kabilang linya. Maging ako tuloy ay naging kabado na rin sa sasabihin niya.

"I know that you are in a vacation but can I ask you a favor? Can you go to St. Raphael's Hospital right now? Si Micah kasi hinahanap ka." sabi niya sa kabilang linya na tila nahihirapan.

Napakunot ang noo ko sa paraan niya ng pakikipag-usap sa akin.

At saka anong ginagawa ni Micah sa hospital?  Is she sick?

"What happened exactly?  Tell me." tanong ko na nag-aalala.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng nasa kabilang linya.

Kung marahil ay nakikita ko lang si Raph ngayon ay baka nakapikit ang kanyang mga mata habang bumubuntong-hininga.

"Ariel,  Micah is suffering from severe pneumonia due to being positive to COVID-19. She wants to talk to you bago siya i-quarantine sa hospital." sabi ni Raph sa kabilang linya.

Nabitawan ko ang aking cellphone na nakatapat sa tainga ko.

No,  this can be happening.

Hindi maaaring natamaan si Micah nang sakit na iyon na according sa balita ay isang uri nang kalaban na hindi ka sigurado kung bubuhayin ka o papatayin.

No, not Micah.

Mahina pa naman ang resistensya ni Micah.

"Please,  Ariel. Hindi raw magpapaquarantine si Micah hangga't hindi siya nakakapagpaalam sa iyo eh. Tigas ng ulo." saad ni Raph na malungkot na tumawa sa kabilang linya.

"Ariel, anong sabi?" nag-aalalang tanong sa akin ni Gab.

Marahil ay namumutla na ako ngayon dahil sa naring ko.

"Si Micah tinamaan ng virus na kumakalat. She needs me to the hospital. Kayo na lang muna ang pumunta sa De Sevelles Dimension." sabi ko sa kanila.

"Sasama ako sa iyo in case na may biglang mangyari. Kilala ko rin naman si Micah. She's down to earth and kind girl. Gusto kong i-check din ang lagay niya." ani Gab na siyang tinanguan ko.

Crush noon ni Micah si Gab kaya baka sakaling gumanda ang pakiramdam niya kung makikita niya ito.

"Sure, let's go." sabi ko kay Gab.

"Hatid na namin kayo roon. Basta tumawag kayo in case of emergency. Wag solohin ang adventure,  okay." paalala ni Cham sa amin.

Sabay kaming tumango ni Gab.

Little did I know that it was already the sign to close the gate of green dimension.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon