Chapter 2: Ariel's Awakening

314 12 0
                                    

Chapter 2: Ariel's Awakening

Gabriel John

Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa ospital. Aba, binilisan ba naman ni Kuya Zach ang pagmamaneho. Dinaig pa niya ang eroplano.

Pagdating namin doon ay nadatnan namin si Ariel na kausap si Micah, yung best friend niya. Sa tabi nung Micah ay yung isang lalaki na hindi ko kilala ngunit mukhang may hawig kay Ariel. Kapatid niya ba yun?

"Hoy! Plano mo bang tumayo lang diyan. Baka nakakalimutan mo marami pa tayong aayusin sa kwarto mo sa mansion." ani Kuya Zach at tinulak ako papasok sa kwarto.

"How's your feeling, Ariel? Nauuhaw ka pa ba? O baka naman nagugutom ka?" rinig kong sabi nung kapatid ata ni Ariel.

"I'm fine. You don't need to worry. Saka diba sabi ng doctor, pwede na nga ako lumabas bukas." medyo nanghihina pang sabi niya sabay tingin sa direksyon namin.

Sumenyas siya na lumapit kami ngunit dahil sa nahihiya ako sa lalaking kasama niya ay hindi agad ako nakalapit pero si Kuya Zach ay lumapit. Nakipag-bro fist pa nga siya sa lalaki na tila ba ang tagal na niyang kilala.

"Raph, umuwi ka pala." bati ni Kuya Zach sa lalaking kasama ni Ariel at Micah sa kwarto.

"Oo eh! Nang malaman ko na nasa pagitan ng buhay at kamatayan ang pinsan ko kahit na may final exam ako nung December eh! Nagmadali akong umuwi rito. Sino nga pala iyang kasama mo, bro? Don't tell me lalaki na type mo." sagot nung tinawag na Raph ni Kuya Zach at napatingin siya sa gawi ko.

Kinutusan siya ng mahina ni Kuya Zach.

"May tama ka na 'ata sa utak sa kakaalala kay Ariel eh! Paano ka pa magiging doctor niyan?" ani Kuya Zach na hindi naman sinagot yung tanong ng lalaki.
Since close naman sila nung Raph, wala namang masama kung iwanan ko siya at lapitan si Ariel kaysa naman mukhang tanga akong nakatayo rito sa may pintuan.

"Ariel, musta?" bungad na tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at nag-nod.

"I am fine. Don't you worry. By the way, parang ang lungkot mo ata Gab?" bungad niyang sabi na halatang medyo nanghihina pa.

"Uuwi na ako sa De Sevelles Mansion. I just say my farawell to the family that I spend my time with." maiksing paliwanag ko at biglang pumasok sa isipan ko ang malungkot na mukha ni Papa, ang humikbing si Mama at ang mukhang umiiyak ni Sandra.

"Sorry. Dapat di ko na pala tinanong. By the way, si Raphael nga pala, pinsan ko. I think I already introduce you to him." pagpapakilala ni Ariel sa lalaking kausap pa rin ni Kuya Zach.

Nang marinig iyon ng lalaki at bahagya siyang napalingon sa gawi namin ni Ariel. Tinitigan niya ako na tila kinikilatis.

"Gabriel De Leon, right." banggit hung pinsan ni Ariel na tila bigla niya akong naalala.

Napakunot ang noo ko ng banggitin niya ang pangalan ko na naging hudyat para pagmasdan ko siyang mabuti.

Pagkalipas ng ilang minuto kong pagbabalik-balik ng tingin ay naalala ko na siya. Siya si Raphael Lee. Yung pinasukan ni Archangel Raphael dati. Nagkakilala kami sa isang retreat.

"Oo ako nga. Now, I remember kung saan kita nakita. Nagkakilala tayo sa retreat." sabi ko na siyang kinatango niya.

"So, ngayong magkakilala na kayo. Let us finish our business here." sabi ni Kuya Zach na ikinagulat naming lahat na nasa kwarto.

"Anong business mo kay Ariel? Don't say that babae mo si Ariel kaya hindi siya natatanggal sa trabaho niya? Pag nalaman ko..." conclusion ni Micah. Hindi na niya natapos ang anumang sasabihin niya dahil sa tinakpan na ni Raphael Lee yung bibig niya.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon