Chapter 36: Prelude to the Hell's Journey

53 4 0
                                        

Chapter 36: Prelude to the Hell's Journey

(TIME: Between Chapter 34 and 35)

Ariel Jasmine Lee

The sun rays welcomed my eyes as I opened them.

At sa aking pagmulat ay ang malambot na higaan ang aking nararamdaman.

Wala na ako sa purgatoryo.

Nakalabas na ako ngunit paano?

Ang huli kong natatandaan ay nagkahiwalay kami ni David dahil sa malaking karayom.

Hindi ko na magalaw ang aking katawan nang mga oras na iyon dahil sa ilang beses na pagkabalibag sa akin ni Greed at pagtama ng aking likuran sa matigas na sahig ng dating templo ni Tempesta.

Napapikit na lamang ako at nag-usal ng panalangin na kung mararapatin na ng Maylikha na kunin na ako ay wala na akong magagawa.

I am still wondering how I exited in the purgatory when the door of the room opened.

Isang malungkot na ngiti ang iginawad sa akin ng pumasok ng makita niyang gising na ako.

May dala-dala siyang tray na mukhang may lamang pagkain.

Ibinaba niya iyon sa aking side table at hinatak ang swivel chair doon papunta sa gawi ko na kasalukuyan pa ring nakahiga sa kama.

"How's your feeling, Ariel?" tanong sa akin ni Gab sa tono katulad nung unang beses kaming nagkita.

Emotionless. Cold.

Nanikip ang aking dibdib ng makita kong ganoon ang kanyang reaksyon at yumuko na lamang ako upang hindi ko makita ang walang emosyon niyang mga mata.

"I am asking you, what is your feeling right now? I am not a mentalist to read what you've thinking. Tell me." malamig pa rin niyang saad.

"I am fine. Wala na akong nararamdaman na sakit kumpara nung nasa loob pa ako ng purgatoryo. Muli ko ng nararamdaman ang sarili kong katawan. I feel... alive." sagot ko na nakayuko pa rin at napakagat na sa aking labi upang hindi tumulo ang aking mga luha.

Nang sabihin ko iyon ay katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

Saglit kong inangat ang aking paningin sa kanya at nakita ko ang nakakunot niyang mga noo, madilim na kanyang mukha at ang pagkagat niya ng kanyang labi.

Pumikit siya at saglit na bumuntong-hininga bago muling nagsalita,

"Why didn't you ask for me? Bakit hindi mo ako hinintay? Bakit hindi mo sinabi man lang sa akin na maglalakbay ka sa purgatoryo? Bakit, Ariel? Bakit wala kang sinabi sa akin. Sana... nasamahan kita. Buti na lang at naroon si Archangel Jophiel kung hindi.... kung hindi... baka sa burol mo na ang susunod nating pagkikita! Am I not trustworthy to you to rely on? Hindi ba't mula pa nung simula ay laban na natin itong dalawa? Bakit, Ariel, bakit hindi ka nagsabi?!" tumataas na ang tono ng boses niya at nakita ko rin ang pagkuyom ng kanyang kamao.

Nanatili akong nakayuko.

I don't know what to say to him.

May punto rin kasi siya.

"You know what, muntik na kayong masarhan ng purgatoryo. Muntik na kayong hindi makalabas. Kung hindi pa tumawag si Lorenzo ay baka... baka..." hindi na natuloy ni Gab ang kanyang sinasabi sapagkat ang hindi na niya napigilan ang pag-hikbi at napahikbi na rin ako.

"I'm sorry. Alam ko kasing nahihirapan ka na sa sitwasyon mo sa pamilya mo kaya..."

"...kaya sa tingin mo hindi mo na ako pwedeng pagkatiwalaan sa bagay na ito. Ariel, maybe I had my duties as the half heir of the De Sevelles family but I have a reponsibility to save the world too. I have a responsibility to protect you at all cost because you are... too special for me." mataas na boses na sabi ni Gab sa akin.

Ending War: Finding Archangels 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon