(TO ALL READERS: You may skip this part first. Hahahahah. -kyung)
Hello here, Alliana again. The part 2 is now here! (Due to high demand...)
MEET THE TROPANG CUTIE PIES!
Sa klase namin, sila ang largest group sa klase namin, sa mga girls naman ito. Out of 29 girls, 8 of them belong to that group. Masaya ang kanilang samahan, damayan sa lahat ng problema, at masasabi kong matibay na samahan ang grupong ito.
Let's start to meet them!
Carmela Castro: Ang Metisza Maiden ng Oriental
Carmela Asuncion Castro, mas kilala sa tawag na Carmi, panganay sa magkapatid, 13, taga- Luxury Heights din. From the calling itself, metiza siya sa klase namin. Mabait din siya at kuwelang kasama.
Funny thing about Carmi, siya ang pinakapasmado sa klase namin. Madalas, natatawa kami kapag pinapabalance siya ng libro sa ulo, o di kaya aalalayan kami o may pinapahawak. Kapag siya ang gumagawa ng mga activity sa Photoshop at may hawak ng mouse, at pinapadrawing ng line, asahan mo nang hindi tuwid ang linya. Baliko-baliko ito at hindi pantay.
Medyo tamad din siya, medyo matalino, medyo masipag at medyo cooperative sa klase. Kahit tamad siya ng very-very light, member siya ng school papers sa AH bilang copyreader. Mahirap na trabaho yan sa SP pero, kaya niya ito. Buti pa.
Mahilig siyang mamasyal o maggala, mag-selfie, kumain at kung ano pa. Mahilig din siya sa mga Kpop at adik sa animé na Fairytail at One Piece. Marami siyang likes, too many to mention.
LOVELIFE: Wala ako masyadong nababalitaan sa kanya. Hindi naman kasi siya masyadong active sa mga ganyan.
Kiara delos Santos: Ang Mabait na Sadako ng Oriental
Take note: Hindi siya totally sadako ah. Mahaba kasi ang hair niya, kaya napagkakamalan mong sadako.
Kiara Olivarez delos Santos, tahimik, mabait, mahilig sa k-pop at ilang pop music, at pasaway din kung minsan. Hindi lang halata sa itsura niya kasi sa impression mo mabait yan, may pagka-pasaway pala.
Tulad ni Carmi, adik siya sa One Piece at Fairytail.
LOVELIFE Actually, wala akong napabalitaan about sa lovelife niya. Maganda naman siya, bakit naman? Nag-aaral lang talaga muna siya, naniniwala siya sa 3B, Books Before Boys.
Lovely Honasan: Ang Fatty Chic ng Oriental
Lovely Rodroguez Honasan, 14, taga-Luxury, single child, ang Fatty Chic ng Oriental.
Siya ay ang pinakamatabang kaklase namin. Nasa 72kg ang kanyang timbang, pinakamalaki sa lahat. Kaya, inaasar namin siya na tabachoy dahil sa such chubbyness niya.
Kahit naman mataba siya, maganda rin naman siya. She believe tjat aanhin pa ang weight mo kung maganda ka naman. xD Buti na lang at confident siya sa sarili niya, hangang-hanga ako.
Kabilang din siya sa mga staff ng School paper sa AH. Feature writer siya buong team. Nananalo naman siya, at madalas, naaabot siya sa national Press Con. Certified magaling.
Mahilig siya sa pagkain, mga Pop songs, madalas sa kpop at sa animé. Marami siyang favorites, too many to mention.
Ganun man siya kagaling, ganun din siya kapasaway. Tamad din ito kung gumawa ng mga activities at ma assignments. Palamura rin siya. Siya ang taong nagmumura na, sinisigaw pa. It's like, pinagmamalaki niya ang pagmumura, hindi kumpleto kung walang sigaw.
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Teen FictionSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...