Chapter 9

497 5 1
                                    

Ayan ka naman Kyung, sige kiligin ka na... hehe.


© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-05-2018)

-----

"ANO BANG pag-uusapan natin?" pagtataka ko habang nainom ako ng sluppree sa 7-Eleven malapit sa school. Nandito kaming apat nina Abby Lianne at Vhin.

"I planned to have our sleepover?" Abby answered.

"Talaga, sleepover? Saan naman?" tanong ni Lianne.

"In our house!"

"That's good, gurl. Gusto kong sumama diyan, kelan ba?" tanong naman ni Vhin.

"Saturday!" sagot ni Abby.

"Woah, that's great! Gusto kong sumama diyan, lalo pa't it's my first time!" saloobin ni Lianne. "Tuloy ba? Baka akala naming tuloy, hindi naman pala ah!"

"Of course! Tuloy na tuloy, most at all my parents requested it, para satin," sagot ni Abby.

Nice naman, may sleepover kami, ewan ko lang kung makakasama ako, if my parents approved me to join.

"Anong oras naman sa Sabado?" tanong ko.

"Seven in the evening to five in the morning!" pasayang sagot ni Abby.

"Gabi na masyado!" sabi ko.

"Alangan naman, sleepover nga! Shuga ka talaga, sis!" sabi ni Vhin.

"Pasensya naman," sabi ko kay Vhin. "Sino naman magpo-provide ng pagkain?"

"Ako na bahala dun!" biglang sagot ni Abby.

"Gusto ko nachos at popcorn!" request ni Lianne.

"Dagdag mo drinks!" request ni Vhin.

"May inihaw din naman sana!" sabi ko naman.

"Di ko kayang mag-provide ng barbecue, sandwich na lang!" sabi ni Abby. "Pero try ko na rin."

"Okay," sagot ko na lang.

"Mag-dala kayo ng unan ha, kanya-kanyang unan!" sabi ni Abby, habang ngumunguya ng footlong.

"Pati kumot?" tanong ko.

"Kahit hindi na, share-share na lang tayo sa kumot ko doon."

"Tayo lang ba apat ang magsle-sleep over?" tanong ni Vhin.

"Oo, bakit?"

"Gusto ko sana may kasama rin tayong lalaki, maliban sakin!" sabi ni Vhin.

"Wag na, all girls and gays ang sleepover na ito," sabi ni Abby. "Ayokong magyaya ng lalaki!"

"Talaga? So you mean sister hindi mo na ako isasama?" biglang sabi ni Vhin bago pa naman siya magtampo.

"Hindi naman, akala ko babae ka!" tanong ni Abby.

"Lalaki rin ako, at the same time, babae!" sabi ni Vhin.

"Sus, Vhin, kalokohan mo, basta Abby sure ka tuloy si sleepover!" sabi ko kay Abby bago pa ako sumipsip ng iniinom ko.

'Yep! Mag-ready na lang kayo!"

--

Sabado na rin kinabukasan. Matapos ang ilang araw mula sa diagnostic test na sobrang nakakapagod. Di ko inexpect na alam na agad ni mama ang tungkol sa sleepover namin.

Mamaya na pala ang pinaplano naming sleepover sa bahay ni Abby. Ako na lang mag-isa dito sa bahay. Wala ang parents ko hanggang bukas dahil sa seminar.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon