© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-26-2018)
--
NOVEMBER ONE - siguro naman alam ninyo ang occasion na meron sa araw na ito. It's All Saints Day at mga ilang araw na rin from now, papasok na naman ako. Second Sem na and it's now the final sem for this year.
Panahon ngayon ng sembreak namin. Maswerte nga sana ang sembreak ngayon kung bakit naman ako tinambakan ng maraming assignments. Kahit nandito ako sa Ilocos (which is my province), isa sa mga laman ng bag ko ang mga assignments na kailangang tapusin, para ipasa sa pasukan. Nakakainis kasi, pasingit to eh. Si Sir Petalcurin na teacher namin sa Science, pinagawa kami ng outline sa notebook namin. Dapat daw, lahat ng mga important details, maski na ang mga themes na che-che-bureche lang sa book kailangang nandun.
Nakakainis no?
Tapos si Ma'am Macipot naman sa TLE, sasagutin namin ang tatlong Chapter Reviews sa one whole (sheet of paper), copy and answer pa. Hay nako! Dagdag pa ang pinapa-research samin ni Sir dela Rosa sa AP. Tungkol daw sa imperyo ng Timog Asya. Nakakainis lang eh, tinanong pa niya samin kung may nagbigay ng assignment ngayong sembreak, kaya nakigaya na rin.
Panahon ko muna sana ng pagiging tamad ngayon, pero hindi eh. I need to finish these, para pagka-uwi namin sa bahay in the next days, magfe-facebook na lang ako, magdamag!!
Nandito ako sa kubo sa harap ng bahay ni lola, busy gumagawa ng assignments. Tabing highway pa ang bahay namin. Sa sobrang bilis ng mga dumadaang sasakyan, sumasabay na rin dito ang sariwang hangin. I only focused on doing these irritating assignments, when somebody called me.
"Manang Alliana!" tawag ng pinsan kong si Gabby. Hindi si Gabby Ledesma no? Pangalan kasi ng pinsan ko, Gabriel Gonzaga Salazar. Coincidence naman, noong dumating nga lang ako sa probinsya when I realized na may Gabby rin pala sa bahay ni lola. Di ko rin naman ginusto yun ah, siyempre yun ang pinangalanan ng Tita Geraldine at Tito Nino ko. Malay ko naman din.
Lumapit si Gabby sakin dala ang isang bagay na nasa mangkok. Root crop yata to, tapos katatapos lang na ilaga, kaya mainit pa. Kulay puti ito. May dala rin siyang saucer na may lamang asukal. Nagulat ako sa kanya.
"Manang, kayat mo ti mangan?" tanong ng pinsan ko. (Ate, gusto mong kumain.)
Ha? Ano daw? Di ko mag-gets?
Para maintindihan ko, kumuha na lang siya ng isang root crop at sinawsaw sa asukal na dala niya. Inabot ito sakin. so he means, pinapakain ako nito. Gusto niya ako pakainin? Waw ha! Ang baeeet talaga ng pinsan ko.
"Ah, sakin to?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya. Kumain naman ako nito... at teka... parang pamilyar to. Hindi lang ito basta kamoteng kahoy o kamote. Nakakain na ako nito dati, di ko lang alam kung anong name.
"Masarap to ah!" sabi ko kay Gabby. Natuwa naman siya sakin, kasama pa ang dalawa niyang malalalim na dimple sa kanyang pisngi. Ang bait na nga, cute pa!
"Gusto mo pa, manang?" tanong niya ulit.
Tumango ako kay Gabby. Kumuha ulit ako ng isa, "Masarap ah, ano ba to?"
"Gabi!" he simply answered.
A-a-ano? Gabi? Watda? "Bunga ng-gabi?"
Sumagot siya, "Wen manang? Maimas?" (Opo. Ate, masarap?)
Tinatanong niya sakin kung masarap. Pero nagulat ako ah. Gabby na nga ang name mo, bunga pa ng gabi ang kinakain mo? Parang kinain mo na rin ang sarili mo?
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Teen FictionSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...