Ayiee, Kyung. Kikiligin na siya... ayieeeeeeeee~
© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-05-2018)
-----
MATAPOS NA rin ang mahabang dakdakan sa Values with Ms. Calesa, and a TLE class with Ms. Macipot, uwian na. Mga four na rin natapos ang buong klase sa maghapon. Medyo napagod ako, pero masaya ang araw na ito para sakin.
"Abby, saan ka sasakay?" tanong ko sa kanya habang naglalakad sa hallway palabas ng campus.
"Sa tricycle sa tapat," she replied.
"Doon din naman ako eh," singit ni Lianne.
"Bakit, sasabay ka ba?" tanong ni Abby sakin.
"Puwede ba?"
Maya-maya, nag-ring ang cp nilang dalawa, sabay pa! Sabay din nila itong sinagot. Sabay silang tumalikod.
"Hello!" synchronized pa sila.
"Po... Saan?" sa sinabing 'yun, naguluhan na ako sa kanila, may problema ba?
"Ah, okay!" huli nilang sagot.
Sabay silang humarap sakin.
"Ally, puwede 'wag ko munang sumabay ngayon? May pinapapunta kasi sakin si Mama na bibilhin, sa may bayan ako pupunta. Iba ang route ko, okay lang ba?" tanong ni Abby.
"Ako rin Ally, hindi muna ako makakasabay kasi biglang tumawag sakin si Gemma, may pinapagawa daw sakin sa school. Mahalaga daw 'yun, okay lang ba?" request din ni Lianne.
"Saglit lang, may balak ba kayo laban sakin?" bigla kong tanong na may pagtataka.
"Wala, Ally!" sabay nilang sagot.
"May pinapagawa lang sakin sa school saglit, sabi pa ng si Gemma, baka pa daw matagalan sila kaya tulungan ko," paliwanag ni Lianne.
"May lulutuin kasi si mama mamayang dinner, may dinner party kasi kami later. Engrande ang preparation. Kaya, ako ang pinapatulong," Abby explained.
Napaisip ako, may sapat naman silang dahilan, pero, it's too much boring na ako lang ang babiyahe mag-isa. "Oh, sige. Pero bukas, sasabay na kayo!"
"Oh, sige!!" sabay nilang sagot.
"Talaga!"
"Oo, promise!"
"Oh, sige. Mauna na kami!" pagpapaalam nila sakin at iniwan na lang nila ako. dumiretso na ako sa terminal ng tricycle.
Sa terminal ng tricycle, hile-hilera na ang mga tricycle para maghintay ng mga pasahero. May nakita akong tricycle na may sakayan pa sa likod. So doon ako sumakay. Habang nagche-check ako ng cellphone ko, may tumawag sakin. Parang galing sa loob ng tricycle ang boses na 'yun.
"Gonzaga!" napalingon ako, si Sir dela Rosa na nakangiting bumati sakin, kasama niya si Ma'am... Dimaculangan? Magkasabay ang dalawa? Maswerte si Sir kasi nakatabi niya si Ma'am na sobrang ganda, kaso taken na.
"Po? Hello, Sir!" bati ko rin. "Hi, Ma'am."
"Ally, saan ka nakatira?" tanong ni Sir sakin.
"Sa Luxury Heights po, Sir!" I answered.
"Wow, mayaman ang transferee. Bakit ka nangomute?"
"Hindi po kasi ako makakasabay sa sasakyan ni papa," paliwanag ko, "Kaya nangomute po ako."
"Mabuti na rin na mga mayayamang tulad mo, nangongomute rin, 'di ba, Ma'am?"
Tumango si Ma'am bilang panang-ayon kay Sir.
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Teen FictionSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...