Ang storyang ito ay para sa mga...
sa mga taong nahihirapang maka-adapt sa bago nilang pinapasukan,
sa mga taong makukulit at pasaway, minsan na rin nakukulelat sa klase,
sa mga taong may kaklaseng bakla since nag-aaral pa,
sa mga taong may nakatabi nang guwapo, first day pa lang ng klase,
sa mga taong may mga kaklaseng mala-Section C na rin ang turing,
sa mga taong may nakilala na agad na lalaking na-love at first sight na agad,
sa mga taong mahilig mag-party party sa loob ng kanilang mga klase,
sa mga taong may teacher na kagandahan at kapogian,
sa mga taong mahilig tumabay sa malapit na convenince store pagkatapos ng klase,
sa mga taong nangongomute papasok man o pauwi,
sa mga taong mahilig magpuyat at sumali sa mga sleep over,
sa mga taong mahilig mag-gitara, mag-piano at mag-play ng kung anong instrumento,
sa mga taong mahilig mag-movie marathon,
sa mga taong naranasan nang maging muse at escort sa klase,
sa mga taong madalas ma-late,
sa mga taong pinaasa at naranasan nang masaktan,
sa mga taong manid o nag-mamanhid-manhidan,
sa mga taong naranasan nang maapi,
sa mga taong totoo sa kapwa,
sa mga taong may kakilalang mahilig mag-DOTA o tumambay sa ComShop,
sa mga taong mahilig mag-gala o mag-shopping,
sa mga taong naranasan nang mag-klase sa maruming klasrum,
sa mga taong mahilig mag-pahidan ng cake icing, harina at ice cream,
sa mga taong noong nag-aaral pa ay may masungit na principal,
sa mga taong nakaranas na ng maagang career sa school nila since nag-aaral o kasalukuyang nag-aaral,
sa mga taong sumali na sa banda, former man o hanggang ngayon ay sumasali pa rin,
sa mga taong may mababait na kaklase,
sa mga taong member ng school paper,
sa mga taong mahilig sa basketball, badminton o kahit anong sports,
sa mga taong mahilig sa anime at k-pop,
sa mga taong mahilig mag-shot or dare,
sa mga taong laging nape-pressure kada may deadline...
sa mga taong walang tulog at walang kain sa acads...
at...
sa mga taong nagkaroon ng magandang buhay since lumipat sila ng papasukan hanggang makapagtapos ng pag-aaral.
Sa ALUMINA HIGH, isa sa mga malalaking schools sa lugar ng bida natin sa story, mararanasan mo ang totoong HIGH SCHOOL LIFE! Sigurado ako diyan!
Tuloy ka na sa susunod na chapter... welcome to CAMPUS HOURS!
--
This story is dedicated to my High School classmates since I was a junior high school student... who made my life a very extraordinary one. This story is for you... you... and you! Sa lahat ng mga kaklase ko na nagbabasa nito, enjoy reading. This is our story... love yo! I miss you din.
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Teen FictionSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...