Chapter 25

95 3 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-17-2018)


---

TODAY IS Saturday. A day after the nakakalokang Aluminan Day. Tssk, grabe, pagod ako! Pero worth it ah!

Nakahiga pa rin ako, kagigisng ko lang kasi. Nakikipag-labing-labing pa ako sa teddy bear at unan ko. Sa lamig ng air con, tinatamad pa akong bumangon.

Kinuha ko ang cell phone para basahin ang inbox ko. What a coincidence happened, tumawag si Ivan. Dahil sa gulat ko, muntik ko nang naibato ang cell phone ko.

"Hello Ivan! Morning!" sagot ko sa kanya na may hangover pa sa tulog.

"Good moring baby!" sagot niya. Baby? Whatda? Anong nakain nito para ganito ang itawag sakin? Malandi.

Nagbuntong hininga pa ako bago ko siya sagutin, "I-baby mo yang mukha mo. MALANDI KA!"

"Wow, ang harsh..." sagot ni Ivan sakin, habang pinipigilan ko ang tawa ko.

"Oh... ano baby? May problem ka?" pabiro kong tanong sa kanya, maloko nga ng konti. "Hahahahahah!"

Natawa rin siya sa kabilang linya. "So... ganyan ka na ngayon ah!"

"Sorry naman, ang ganda kasi ng bungad mo, kagigising ko lang," sagot ko. "Di ba baby? Hahaha!"

"Tssk!" painis niyang sabi sakin. "Oo nga pala, papunta na akong bahay niyo."

"Bahay namin?" pagulat kong sabi, at bigla akong napatayo sa higaan ko. "Baby, bakit? Ang aga-aga."

Natawa pa siya sa telepono bago pa niya ako sagutin, "Ayy, nakalimutan ko palang sabihin sayo to. May practice game kasi kami sa team, gawa ng malapit na ang Intramurals. Niyayaya kita, kung gusto mong manuod. At saka, para makita mo na rin kung okay ang performance namin. Okay lang ba sayo?"

Nag-iisip pa ako sa maisasagot ko, "Sure. What time?"

"Ngayon na."

"Ano?" nagulat ako. "Ngayon? A-as in... now?"

"Oo, kaya bilisan mo na diyan, eat breakfast and take a bath also, baby. I'll be coming... bye!"

"Oyy! Wait... talaga bang-" hindi na ako makasagot gawa ng pinatayan na niya ako agad. Di man lang niya sinabi sakin to kahapon, nakakainis. Di bale, I will eat na!

--

"Ma, aalis na po kami ni Ivan," paalam ko kay mama. Ang bilis ko no? Wonder woman na ba ang peg? Hahaha!

"Oh, anak. Uwi kaagad after ng practice," bilin sakin ni mama bago ibigay sakin ang bag ko. "Ivan, pakibantayan si Ally, ha?"

"Opo, tita," sabi ni Ivan na katabi ko na pala. Sinundo niya kasi ako dito sa bahay. Nakakahiya nga sa kanya kase, nasa banyo pa akong kumakanta nang dumating siya. Natatawa nga siya sakin, para akong kiti-kiti na di mapakali at nagmamadali nang hindi maintindihan na something. Hahaha.

At, tinawag pa niyang 'tita' si mama, hahaha, loko talaga.

Lumabas na kami sa gate at tumungo sa sasakyan niya. Sumunod pa si mama samin para masara ang gate pagkalabas namin. Noong nakapasok na kami ni Ivan sa sasakyan, he suddenly started the engine.Then mama waved us goodbye.

"Ivan, san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.

"Sa school, alangan," sagot niya.

"Anong meron?" tanong ko ulit sa kanya. Napatingin siya sakin, sabay napakunot ang noo.

"Di ba nga may practice game," sagot niya. Opps, huwag high blood.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon