Chapter 27

82 4 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-17-2018)


---

IT'S JUST after ng badminton game <slash> match namin sa court, bumalik kami sa klasrum. Nakapag-palit naman kami ng damit kanina sa locker suites, at hanggang ngayon, naiinitan pa rin kami. Alam kong malapit na ang rainy season ngayon since August na, pero hindi pa rin ramdam.

Ang mga kaklase ko naman dito, hot na hot na—I mean naiinitan sila. Malamig na nga ang aircon, naiinitan pa rin. Kulang ba pa yan?

"Oy, pengeng pulbo?" narinig kong tanong ni Anne kay Alex.

"Wala akong pulbo," sagot ni Alex. "Nanghihiram nga rin ako eh."

"Ikaw ba Ally, may pulbo ka?" tanong naman sakin ni Anne. Inabot ko naman sa kanya ang akin.

"Salamat ah."

"Alliana, penge din ako," singit ni Alex bago niya agawin kay Anne ang pulbo. Marami pa ang nilagay sa mukha ni Alex. Nagmumukhang espasol? O white lady?

"Ally, mabait ka naman di ba?" tanong sakin ni Rey. Tumango ako, "Penge rin ako."

"Ako rin Ally!" singit ni Harry.

"Oy, penge rin ako!" pahabol ni JB.

"Ayy, Ally, samin lang muna to ah, ibabalik ko, mamaya," paalam sakin ni Anne, saka niya kinuha ang pulbo ko. At ngayon, nakikipag-agawan na sila ng pulbo. Kung hindi patay-gutom sa pagkain, sa pulbo naman. Ang naiiba lang, hindi nakakain ang pulbo.

Nagsuklay na rin ako ng buhok ko, sabay tingin ko sa salamin.

"Ally, may sanrio ka?" tanong sakin ni Jean sa bandang likod.

"Wala eh," sagot ko. "Di ba marami ka naman?"

"Oo eh, naubos kasi," sagot niya at naghanap siya ng ibang mapaghingian.

Umingay na ang klase, wala kaming teacher ngayon, na dapat si Ma'am Macipot. Mga five minutes na ang nakalipas, mas lalong umingay.

Maya-maya, may pumatay ng ilaw. Ewan ko lang kung sino ang nagpatay. At maya-maya, may mga flashlight na naglulutangan sa kisame ng klasrum, dumagdag pa ang maingay na kantang Ain't it Fun sa grabeng ingay. Nakakainis man ng konti, unti-unti naman akong naeenganyo.

Mistulang disco na ang klasrum namin May mga nagsisigawan, naghahabulan at sumasayaw sa gitna ng madilim na klasrum. Ako, wala na akong ginawa kunde panuorin sila.

Maya-maya, napatahimik ang buong klase. Mga 0.12325372 seconds na katahimikan. May sumipot kasi.

May binukas ng pinto, at lumiwanag konti ang klasrum. May bumukas naman ng ilaw, at nagulat ako—este kaming lahat sa loob. Napanganga, hulog panga.

"Why are you so noisy?"

EMEGHED! MA'AM MERCEDES!

Napatahimik kami, at hindi mapasagot sa nagtanong. Naka-salamin siya, mataba, (hindi naman, ganyan kasi siya i-describe ng mga kaklase ko) strikto, mukhang halimaw, at kung magalit, kulang na lang sapukin mo siya.

Kung pwede nga lang, kaso hindi.

Nakatunganga kaming lahat kay Ma'am, mas natakot pa kami when she raised her right eyebrow. Grabeng magtaray ni Ma'am ah, and nagsalita siya samin na mukhang kontrabida na ang peg.

"Who's your teacher supposed to be?"

Wala saming makasagot, instead dahan dahan nilang tinago ang mga cellphones nila, at iba pa. Ang pulbo naman, inabot sakin ni Anne, at napansin ko, wala nang laman; ubos na. Patay gutom talaga sila sa pulbo. Dahan dahan kaming umayos ng upo, at until now, no one answered her question.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon