© something_kyish, 2015-2018 (Edited 10-30-2018)
-------------
I REMEMBERED the time where I changed my profile pic sa FB. Wala lang akong magawa at buti naalala ko pa ang balak ko.
Sinend din sakin si Gab ng ilang pictures namin nung sabado. Shemay, naiilang pa akong makita yun kasi ayoko pang makita ang mukha ko na kasama siya. Hahaha, nubayan!
Nakita ko pa yung My Day ni Gab sa Messenger yung picture namin. Hindi man nakita doon yung mukha, pero yung holding hands, wala akong kaalam-alam na kinunan niya pala yun. At may caption pa siyang "#datesaheartsday" na may mga heart-eyed emoji.
I reacted sa pic, "Haha."
Gabby Daniel Alvarez Ledesma messaged you, ani ng notifications ko. Haha lang, Ally? Ayaw mo pusuan?, aniya.
I replied: Bakit naman?
Si Gab: wala lang... :)
Nagulat pa ako sa statement sa convo namin na Gabby Daniel Alvarez Ledesma changed his nickname to 'Gabe' with matching peace sign at bola. Lol.
Samantalang, pinalitan niya ang pangalan ko doon as Alli-yoo-hoo <3
Ako: Ang tsugi ng nickname ko lol
Siya: Ayaw mo. Woooy, palitan mo na dp mo hahahahaha
Ako: hinihintay mo talaga? What if ayoko?
Siya: Basta hihintayin ko ;)
At doon na nga nag-udyok ang planong magpalit ng Facebook profile pic. Pero siyempre, inayos ko muna. May konting filter akong dinagdag, medyo madilim kasi. Gawa siguro ng sobrang late na kinunan. Pero in-adjust ko ang brightness ng pic ko. Good thing at nung time na to, may flash yung cam ko nung kinunan ako ni Gab.
At nagpalit na nga ako. To be exact, 9:23 pm ako nagpalit. I added a caption:"Teddy Love <3."
Five minutes later, my phone rang for some notifications. Una kong napansin ang comment ni Tita France. Wow naman, may nanliligaw na ba sayo nakkong?
I replied: Wala po antie, binilhan lang po ako ni ate. Hahaha.
Later on, may mga dumagdag.
Drei Caballero: Eto na ang ating pinakahihintay! Ayieeee! *mentions Harry, JB, Mark, Shawn, Nathan... and so on*
Harry replied: Nice one Gaboo! *mentions Gabby Daniel Alvarez Ledesma*
Gabby replied: hahahahahaha
Nathan replied: kampeon si gab... alam na
May isa pang dumagdag.
Abigail Montefalco: Lianne Vhin Elize Alex Patricia look at this, si ally oh!
Lianne replied: maygudnesh is this real
Patricia replied: yung teddy bear, may iba akong nasesense dito *mentions vhin and me*
Elize replied: ay, ano to
Vhin replied: TALAGA BA? ANONG MGA NABABASA KO RITO? MAY NAGBIGAY NAN KAY ALLY?
Vhin replied: GOOODNESSSSSSSSZCSHCKJ.
Abby replied: Alliana Matriz kelan lang to?

BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Novela JuvenilSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...