© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-13-2018)
---
THE NEXT day, it's now Tuesday. Pagkapasok ko pa lang sa room papunta sa upuan ko, napansin kong nandun na ang bag ni Gab. Waw, ang aga niya ah. Nandun na rin sina Lianne, Abby, Vhin at iba pa naming mga kaklase.
Nag-klase na rin almost after an hour. Si Gab, attentively lang na nakikinig kay Sir Agoncillo sa klase namin sa Math. Day 2 kasi ngayon, at iba ang schedule. Mamaya pang hapon sa OT namin ang period ni Ma'am Dimaculangan. Pansin kong habang natatagal ang lesson ni Sir, medyo naantok na itong katabi ko. Buti pa at may gana pang magsulat si Gab whenever na may pinapasulat si Sir. Ibang klase.
"Ally, usog ka nga saglit, ilalagay ko lang itong bag ko," sabi ni Lovely sakin. Umusog nga, at sinabit niya ang bag niya sa likod ng armchair ko. Tumingin saglit si Gab sakin, at tinuloy ang pakikinig kay Sir.
Mga twenty minutes pa bago mag-time, pina-seatwork kami ni Sir. Nag-exchange kami ng notebook, siyempre. Kami pa ni Gab ang nagkapalit. Noong nakuha ko na ang notebook niya, nagulat ko! Waw! Amputi, ang linis... wala kasing sagot. Yung iba, chambahan lang. Yung iba naman, literal, walang sagot.
"Ang linis, Gab ah!" kantiyaw ko kay Gab bago ko lagyan ng 'corrected by' ang notebook niya.
"Ikaw na bahala mag-check diyan! Malian mo na lang kung mali!" sagot naman niya, as he writes 'corrected by' ang papel ko.
"Okay," sagot ko.
Sinimulan na ni Sir Agoncillo na i-dicdate ang mga sagot, nagulat ko at... iisa lang ang tamang sagot niya, out of ten. Akala ko pa naman, matalino siya. Seyeng nemen!
Ako naman, iisa lang ang mali. Kung iisa lang mali ko, siya naman iisa lang ang tama. Tssk, ibang klase.
"Ayos, Alliana. Magaling ka pala sa Math!" kantiyaw sakin ni Gab sa tabi ko, bago niya ibigay ang notebook ko sakin.
Natawa lang ako, "Wala 'yun. Chamba lang naman eh!" sagot ko. Natawa si Gab. Na-enjoy namin.
--
"Waw, I like your seat plan, Oriental! Very nice," papuri samin ni Sir dela Rosa sa klase namin sa AP. Wednesday na kasi ngayon, Day 1, kaya medyo maganda ang araw na ito. Nagandahan si Sir sa seat plan namin, okay...
Inobserbahan niya ang room. Bago pa siya nag-start ng klase, nag-check siya ng attendance. "Say present!" napansin kong tumingin siya sa seat plan na nakadikit sa desk ng teacher, doon siya tumingin at sinimulan ang round call.
Nagsimula ito kay Rhianne, paikot papunta kay Jovilyn, at umikot papunta kay Bea sa pangalawang row. Noong nasa row na naming ang round call, eto ang nangyari...
"Gonzaga!" tawag ni Sir.
"Present!" sabi ko sabay taas ang kanang kamay ko.
"Ledesma!" tawag ni Sir kay Gab.
"Present po Sir!" sagot ni Gab as he raised his right hand. Noong si Leslie na dapat ang sunod, bigla siyang nagsalita.
"So kayo, Gonzaga and Ledesma, kayo lang ang magkatabi?" tanong niya.
"Opo!" sabay naming sagot.
"Waw! Mas bagay kayo kapag kayo lang dalawa ang nagsama, mukha kayo talaga eh!" kantiyaw ni sir. "Ang sweet niyo, ON na ba kayo?" Whuuuut? Anong 'ON'? You mean Sir, KAMI NA?! TSSK... NO WAY!!
"Hindi po!" sabay naming tanggi, mas kinilig ang buong klase. Nagkatinginan pa kami after.
Ganito lang talaga ang nangyari na kami na lang talagaang magkatabi sa row ng upuan... iba na. Iba na talaga ang mga nangyayari.
--
"Ally, balita ko kayo na ni Gab ang magkatabi sa seat plan?" asked Ivan as we walked through the corridors palabas ng school. Katatapos lang ng OT kanina with Ma'am Daisy tapos ineffort pa niya akong hintayin hanggang sa uwian. As far as I know, kada Mondays at Wednesdays ang OT nila, kaya naman pala ako hinintay nito, eh wala nga akong sinabi eh.
"Oo naman, bakit?"
"Uhmm, wala naman," sagot niya. "Okay lang bang katabi yun?"
"Okay naman, yung parang normal lang."
Tumango-tango naman itong katabi ko. "Baka naman kase iba ang gawin sayo nun."
"Ivan, grabe ka naman eh. Parang kung anong iniisip mong kung pano ako itrato ni Gab eh," sagot ko, bago pa ako ngumisi.
"Hahaha, wala naman. Basta si Alliana ko ang kasama ko, okay na ako."
"Corny ha?"
"Hay nako," sagot na lang niya before he sighed then shake my hair.
Di na nagtagal, hinatid na lang niya ako palabas papuntang terminal.
--
The next day, hinatid ako ni Ivan paputang school, na di ko pa malaman kung bakit. Nagpapasikat ba tong lokong to? Nanliligaw? Wew. Hindi naman siguro.
Pati ba naman papuntang classroom namin, sinamahan pa ako. Di ko alam ang masasabi ko sa ginagawa niya, seriously. Mukhang timang on the last days, pati sa convo namin. Enebe? Ang gulo.
Nung makarating na kamin sa classroom, nagmistula na siyang bodyguard--hinatid ba naman ako hanggang upuan ko. Si Gab na may binabasang libro sa tabing upuan ako ay nagulat sa taong kasama ko.
"Good morning Cap!" bati ni Gab kay Ivan bago pa niya ilapag sa upuan ko ang mga libro kong ineffort niyang dalhin.
"Morning," simpleng sagot ni Ivan kay Gab. Napatingin ako sa dalawang to.
"Ivan, thank you ah-"
"Wala yun, basta iwas bad trip ah!" payo niya.
"Hindi naman yata, basta huwag na huwag mo akong i-beast mode!" sagot ko.
"Okay, babay!" then he walked outside.
Napaupo na lang ako sa upuan ko at inayos ang gamit ko. Kalaunan, inistorbo ako ng katabi ko.
"Ally, maiba lang ako ah, nanliligaw na ba sayo si Ivan?" tanong niya.
TAE? ANO??
"Ewan ko lang, baliw yun eh!" sagot ko bago ngumisi.
Saka na rin bumalikang paligid sa katahimikan.
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Fiksi RemajaSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...