© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-29-2018)
--
"SIMBA TAYO?" sabi ni Andrei samin. Wala kaming teacher nung time na ito at siya muna ang namuno sa klase namin. Siya muna ang inassign.
"Nung oras?" tanong ni Bea.
"4 ang simula eh, 3:30 dapat nandun na," sagot niya.
"Hapon o madaling araw?" tanong ni Vhin.
"Geh ikaw Vhin, ikaw lang ang magsisimba ng madaling araw ah. Nu yon? Simbang gabi?" kantiyaw sa kanya ni Jash.
"Akala ko lang kase eh," sagot ni bakla. Natawa na lang ako.
"Hoy! May dala ako!" singit ni Harry. May hawak siya. Isang sachet ng harina, as in bread flour. Ano kayang binabalak nito?
"Hala ano yan?" tanong sa kanya ng pinsan niya.
"Harina."
"Para saan? Magbe-bake ba tayo?" pagtataka ni Anne.
"Hinde. Para dito!" sagot niya saka kumuha ng isang palad ng harina saka ito binato. Ahh, alam ko na. Kung may paper war, flour war na naman. Ayos ah!
Sa pagbabato nun ni Harry sa mga Gwapings, ginantihan naman ito ng mga boys. At siyempre, may dala rin ang mga ito. Saka na sila nag-gantihan. Si Ricky, inuubo na dahil sa amoy harina. Kami rin dito sa loob, napapaubo na rin. Ano na naman kasi ito? Tss.
"Harry... nagkakalat ka!" sabi sa kanya ni Hanna.
"Pake mo ba? Sali ka rin!" sagot niya bago siya hinagisan si Hanna ng harina.
Dahil eto at nagsisiumla na ang flour war, eto, lahat na kami dito nag-aaway na. meron pang isang time na pinahidan ako ng harina sa mukha. Si Vhin yun. At ginantihan ko siya ng sandamakmak na harina sa mukha, nagmumukha na siyang espasol sa sobrang puti.
Naghahagisan na kami at nagpapahidan ng harina. Ang iba pa ay nalagyan sa buhok. Napagkamalan pa silang mga matatanda. Kami naman, namumuti na ang aming uniform dahil sa harina. Naging harina na ang klasrum namin, grabe. Mas kawawa ang mga cleaners nito.
Maya-maya, may nagpatugtog ng Ain't It Fun sa klasrum. Para na kaming mga tanga na nagpa-party-party kasama ang harina. Flour party na ito mga dre.
"Hoy! Penge pa ako!" sigaw ni bakla. Binigyan naman siya ni Bea at naghahagisan na kami. Di ko akalain na meron din palang dala si Abby kaya sa kanya ako humihingi. Ibang klase no?
Si JB naman, pumuti. Infairness, nagkaroon pa ng chance na pumuti. Pero parang sobra pa yata. Grabe kasi pumahid si Andrei at Drew ng harina kay JB, kaya yun.
Patuloy lang kami sa aming war. Napuno na ng harina ang mga silya namin, pati na ang sahig. Ang blackboard, meron pang bahid ng harina. Grabe talaga sila.
At kalaunan, biglang namatay ang ilaw. Natahimik kaming lahat.
"WEWWW! EEEEPPPPPPPPPSSSSIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEE!" sigaw ng ma kaklase ko. Agad din namang binuksan ang ilaw, pero hindi gumana. Ako kayang problema? Hala, baka napundi na.
"Ano buksan niyo na ang ilaw!" sigaw ni Bea.
"Di ko mabuksan!" sagot ni Jeremy.
"Dalii na!"
"Oo na!"
Napatgil ang war namin ng ilang sadali. Habang inaayos ang lahat, napansin ko si Gab na nasa pintuan. Bat kaya siya nandun? At mga ilang saglit lang, nagbukas ulit ang ilaw. Ano kayang nangyari?
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Ficção AdolescenteSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...