Chapter 19

127 4 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-14-2018)


---

I WOKE up at kapansin-pansing katatapos lang ng siesta ko. Wala naman kasi pa ako magawa kaya nagawa ko pang matulog. Tutal Sabado naman ngayon at wala naming nakatokang gawain.

Nakahiga pa rin ako. Medyo tinatamad akong bumangon, tutal tapos ko naman na ang mga assignments ko eh. Oh! Mag-aalas-singko na ng hapon.

Hinanap ko tuloy ang cellphone ko sa tabi ng kama ko. May nag-text sakin. Binuksan ko ito at puro GM ng mga kaklase ko. Pansin ko lang, bakit hindi nagtext si Ivan sakin ngayon? Siguro walang load. Hahaha, ako rin naman wala eh.

May biglang nag-notif sakin.

Pou is hungry!

Hahaha, ang alagang Pou ko pala nagugutom.

Nabuksan ko ito mula sa notif bar ko. Aww, kawawa naman. Nanginginig na gutom na marumi. Kung sa bagay, hindi ko na gaanong nalalaro to sa cellphone ko. Kawawa eh, pero mas cute pa siya. Pinakain ko ito, pinaliguan, pinalaro at noong napagod na, pinatulog ko.

Hindi ko napansin ang oras. Magfa-five thirty na! Waw! Ang bilis.

Bumangon ako sa higaan ko at nag-unat. Pumunta rin naman akong banyo para sa personal necessity ko. Naka-labas na rin at pumunta sa sala.

Si Mama, nafe-facebook sa cellphone niya. May naiinom din siyang kape habang naka-FB.

"Ally, gising ka na pala!" sabi sakin ni mama. Nag-unat-unat pa ako.

"Opo Ma!"

"May lumpiang sariwa sa dining. Gusto mo?"

Ano? Lumpiang sariwa? Great! Gutom na rin kasi ako. Gusto ko pang mag-merienda. So, pumunta ako sa lamesa at kinuha ito. Nilagyan ko ito ng maraming sauce. Pumunta ako sa sala at doon kumain. Nalapaki ako sa subo. Takaw.

Nanunuod din ako ng TV habang kumakain. Nasa kalagitnaan na ako sa pagkain noong may...

**DING--DONG!!**

"Ako na lalapit!" pagvo-volunteer ni Mama, saka na siya tumayo at lumapit sa gate.

Kumakain lang ako sa loob habang nanunuod... nang biglang...

"Alliana, may date daw kayo ni Ivan!"

Napaluwa ang kinakain ko sa narinig ko. Eh, Ma? Baka naman biro yan. Bigla akong napatingin kay mama sa likod. Kasama niya si... IVAN? Huwatda?

Napatingin lang ako sa kanya. Naiwan ko pa ang tinidor ko sa bibig ko. Nandiyan si Ivan, at...

"Hi, Ally!" bati sakin ni Ivan.

Kumaway pa ako na may laman pa ang bibig ko. Hindi man ako nahiya sa kaharap ko. Hindi tuloy ako makakain ng maayos. At saka, pormado siya ngayon. Anong meron?

I cleared my throat and asked him, "Parang pormado ka? Anong meron ngayon?"

"Di ba nga may date ngayon?" sabi ni Mama.

"Mama!"

"Ally, kung yayayain kitang mag-date. Okay lang ba sayo?" tanong niya sakin.

Ano? DATE? Seriously?!

"Ivan naman eh, ba't ngayon mo lang sinabi?" tanong ko.

"Suprise nga, eto o, flowers and chocolates, for you!"

Eto na naman ako, kenekeleg. Binigay niya sakin ang handog niyang chocolate at bulaklak. "Nag-abala ka pa eh!"

"Wala yun..." napatawa siya.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon