"Manang! Nagbalik ka na!"
Yep, after a very long time... then... FINALLY!
-----------------------
© something_kyish, 2015-2018 (Edited 10-23-2018)
BAKAS PA rin sa aming mga mukha ang gulat. Si Hanna na naka-t-shirt, and so with Tita Helen and her sister. Surprisingly pa, nandon din si Gab.
"Good evening po," umayos ang mga kaklase ko ng upo at masigla silang binati.
"Oh, I see. Kaya pala natalo ang anak ko," Tita Helen said. Napatigil ako... what she wants to say. "Sinadya mo to ano... Ally."
"Po?"
"Stop lying, you bitch." WHUUUT?!
"Tignan mo nga rin tong isa pang kontrabida, nandito din." What? Is she pertaining to...
"Is that me Misis?" agad na banat ni Alex.
"Siya nga naman, sila naman ang ayaw makipagkampihan satin ano?"
"Ma'am mawalang galang na po. Pero po pwede ba diretsahin mo na po kami, please?" isa pang tanong ni Alex.
"Bakit walang sumuporta sa anak ko kanina? How dare you all?" sigaw ni Tita Helen.
"Teka lang Tita—!"
"And you're calling me Tita now, Ally? Hindi ka man lang nahiya?" Napayuko na lang ako. Ano ba kasing problema nila?
Napansin ko ang mga kaklase kong gulat na gulat. "Bakit wala man lang ni isa na sumuporta sa anak ko? Sa una you almost reject her in your class nang dahiln sa cultural nay an tapos ngayon pa? Ano bang gusto niyong iparating?"
"Hinay-hinay lang po!"
"Bakit? Mukha ba siyang sinungaling sa mga pagmumukha niyo? Bakit... bakit hindi niyo man lang siya matanggap?" halos pangiyak-iyak na sabi ni Tita Helen. "Bakit niyo siya laging tinataboy, iniiwasan, nilalayuan... bakit niyo na lang siya lagging iniiyakan? May galit ba kayo sa kanya ha?"
Nakatikom pa rin ang lahat.
"Bakit niyo ito ginagawa sa anak ko? Mukha ba siyang katawa-tawa sa inyo? Ha?"
"Misis, let us explain," buntong ni Alex.
"Manahimik ka!" she pointed Alex na di ko namalayang nasa likod ko na pala. "Ikaw ang sumira sa career ng anak ko!"
"Pwede po ba hayaan niyo po kaming magpaliwanag sa mga paratang niyo!" sigaw ni Alex. Nilingon ko siya at isa-isa nang natulo ang mga luha niya. Napansin kong napatayo na ang mga kaklase ko.
"Madam, we solely accept all your accusations to us. But let me explain first in behalf of my classmates," ani Alex. "I, and all of us, solely accept and respected your daughter Hanna sa klase. Kahit alam na naming iba ang ugali niya, tinanggap naming siya ng buong-buo. Hindi kami kumokontra, nagrereklamo, kasi kaklase namin siya. We all know her standing and kung gaano siya kasikat sa buong Alumina High. Kinaya namin siyang kausapin ng maayos, pero ano ang tinanggap namin? Lagi siyang nagmamarunong lagi niyang ipinapakita na nasa kanya na ang lahat, sa tingin po ba ninyo maganda ang ginagawa niya samin? Nakakasobra na kasi eh!"
Napatahimik ang buong sala.
"At ikaw Alliana mang-aagaw ka!" banat sakin ni Tita Helen. Wow! Ang harsh lang ha? I just fell silent. "Wag ka nang mag-maang-maangan! Yung trophy, fame, kaibigan, lahat!"
Nanahimik na lang ako. Kinimkim ko lang ang lahat ng sakit. Less talk, less mistake kasi. Pero... ang sakit niyang magsalita! Wala naman akong inaangkin, 'di ba? Baka gusto niya itong trophy lang, and so... sige ibibigay ko.
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Teen FictionSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...