Chapter 17

203 5 1
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-13-2018)


---

LUNES NA ngayon, nasa school na ako. I was walking to my locker noong isang pamphlet ang nakadilit sa bulletein board. Binasa ko ito.

May talent ka ba sa pag-kanta? Marunong umarte at may galing din sa pagsayaw? Kung meron ka, karapatdapat ka sa Alumina Theater Arts Club.

This club is for all of Aluminans, new man o bago, you have a freedom to join.

Siguraduhing kang may maihanda lang talent na tiyak papatok sayo. Sa darating na 4:00 pm, may audition tayo sa AH Auditorium. Maghanda ng isang talent, either sa pagkanta, pagsayaw, o pag-arte.

Kita-kits tayo mamaya. Let your talent shine!

Napanganga ako sa announcement na yun. Medyo may willingness ako sa pag-sali. Interesado rin naman ako. So, can I go?

May nakita akong papel sa ibaba ng pamphlet. Nandun ang listahan ng mga sasali. Binasa ko ang mga nasa papel na yun. Marami rin pala ang sumali. Kinuha ko ang ballpen sa ibabaw at sinulat ko ang pangalan ko.

Mamaya maghanda na ako. Good luck!

--

"Ally, balita ko sumali ka sa performing arts?" tanong ni Ivan sakin habang naglalakad kami sa hallway papuntang café. Sabay kaming magla-lunch ngayon, niyaya niya ako eh, ililibre niya daw ako. Okay na yun, wala pa namang nababawaan sa 100 pesos kong baon eh.

"Oo, bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang, may audition kaya mamaya. Naka-ready ka na ba?" tanong niya.

"Medyo!" pahiyang sagot ko. "Wala pa nga akong practice eh!"

"Okay lang yan, gusto mo tulungan kita eh!" Kinilig naman ak sa sinabi niya. "Anong talent mo?"

"Siguro... kakanta?"

"Anong siguro? Dapat sigurado ka!" sabi ni Ivan sakin. Papasok na kami ng café, at naghanap na kami ng mauupuan. Noong nakahanap na kami, sabay pa kaming umupo, harapan.

"Bakit naman?" tanong ko naman sa kanya. "Parang manager na kita kung mag-advice ah!"

Natawa siya, "Hindi naman, mas lalo ka kasi maaalangan kapag hindi ka sigurado." Oo nga naman, may point siya.

"So ano? Kakanta ka? Kumanta ka na lang kaya, may singing voice ka naman eh!"

"Yun na nga!" sagot ko.

"Ano namang kakantahin mo?"

"Secret!" sagot ko.

"Baka namang wala ah!" biro ni Ivan sakin.

"Secret nga, ayokong sabihin!" pagpupumilit ko.

"Eh, talaga?"

"Oo nga, kulet nito!" sagot ko. Tssk, kikiligin ba ako dito o magagalit? "Huwag mo na lang kasi ako kulitin!"

"Manonood ako mamaya!" sabi ni Ivan.

"Eh, di nga?" gulat na tanong ko.

"Oo, susuportahan kita! Ayaw mo?"

"Hi-hindi naman!" pakilig kong sabi. Hahaha, neheheya ako sa kausap koo!

"Gusto mo naman eh!" Saka na kami sabay kumain.

--

Ngayon na ang oras... ng pagkakasikat. This is it!

Uwian na rin namin. Tunakas ako sa klase namin sa HR kasi nga di ba sasali ako sa PA? Alam naman nila na kasali ako, kaya pina-excuse ako sa klase para i-ready ang sarili ko.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon