Chapter 41

42 1 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 06-07-2018)


--

DECEMBER - BUTI naman at bumilis ang paglipas ng araw ngayon. It's now 25 days before Christmas at excited na ako. Nagbibilang na ako ng araw ngayon sa mga taong magreregalo sakin. Sino-sino kaya? Si Mama? Ninang Rosa? Ninong Tuper? Enebe? Nagiging assuming na ako sa mga oras na ito.

Nasa classroom ako. well, ako pa lang mag-isa ang nandito. Ang aga ko pa naman kase pumasok. Abala lang akong binabasa ang Paper Towns na di ko pa tapos, maraming gawain eh.

Out of impulse, may nag-notif sa cellphone ko.

From: Gabby-Gaboo

Ally, nasa school ka n ba?

Biglang nawala ang paningin ko sa binabasa ko, eto namang si Gab kase, nagtext.

To: Gabby-Gaboo

Kanina pa. :P

From: Gabby-Gaboo

Di ka man lng nagsabi.

To: Gabby-Gaboo

Eh wla ka namang cnabi eh! :P

From: Gabby-Gaboo

Hahahaha. O ge, pasok na ko. Bye! :)

Napangisi na lang ako sa sarili ko sa sagot niya. tinuloy ko na rin ang sarili ko sa pagbabasa.

--

Lumakad ako saglit sa hallway mula saking locker. Bitbit ko ang mga librong gagamitin ngayong morning class. Masaya akong naglakad papuntang room namin noong...

"Kris, igilid mo pa yung upuan!"

"Lagyan natin ng style, Bea!"

"Patagilid?"

"Oo, okay na yan!"

Nagulat na lang ako sa ayos ng upuan. Nahati na ito sa gilid, nang wala pa akong alam. Worst of all, ang upuan ko nasa kanan at kay Gab yung sa kaliwa. For short, di na kami magkatabi.

Napakamot na lang ako ng ulo papunta sa upuan ko. Tahimik kong nilapag sa arm chair ang mga libro at umupo. Medyo tutol pa ako eh, di na kami magkatabi ngayon, pero magkatapat pa.

Napatitig na lang ako sa upuan niya. Totoo nga talaga. Pano yan? Sayang.

--

"Okay, idi-divide ko kau by pairs. You are going to submit me a report tungkol sa mga topics na ibibigay ko," panimula ni Sir dela Rosa sa klase naming ngayon sa AP.

Sa pwesto kong ito na wala na akong mapagpatungan ng braso, naninibago pa rin ako. Pati kadaldalan wala na rin. Siguro, nasanay na akong nakatabi siya matapos ang isang sem. Kahit ganun nga kakaiba na eh. After all, hindi pa rin kami magkalayo. Isang metro lang sa gitna ang pagitan and for sure, magkakausap pa rin kami. It depends na kung makakatabi ito kay JB na katabi ko na. Hahaha, talande.

Di ko na namalayan na nagsisimula na pala si Sir pala idic-date ang mga magka-partners. Luckily, kami pa ni Gab ang pinagsama. Napatingin ako sa kanya, napatungo lang ito at ngumingisi pa. Ako naman si blush ng cheeks, genete kese kepeg kenekeleg ehh.

Ang topic na binigay samin is all about the 45th parallel ng Korea. Matapos sabihin ang lahat ng mga topics at pairs, sinabihan kami ni Sir na magsama ang magkakapares para sa magiging resulta ng activity na pinapagawa samin. Worst pa, ie-explain pa namin ito sa unahan bago pa ito ipasa kay Sir.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon