Chapter 45

74 2 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 06-20-2018)


--

D-DAY HAS come. The big night. At mula pa kaninang pagkagising ko, umiikot sa utak ko kung ano ang mangyayari ngayon. May halong kaba at excitement ang lahat, but I think this looks very good.

Excempted kami sa attendance ngayon gawa ng gabi ang competition. Nagsisimula na rin ang foundation at katatapos lang ng ilang events. Pasalamat lang at nakatulog ako ng mahimbing kagabi at maluwag, kaya sana di ako kabahan.

Mga bandang magtatanghali, pumunta kami ni Mama at ni Ate sa school, direstso sa auditorium. Pagpasok ko pa lang, di ko pa feel ang anniversary na ginugunita on the last days until now. And tahimik. Siguro sa court ginaganap ang ilang contests doon.

At dumiretso kami sa backstage at may sarili pa akong dressing room. Doon muna ako nagstay bago ang ang time bago ako magready.

Hanggang sa dumating na ang moment of truth. At to be honest hanggang ngayon, ewan.

Habang dumadami ang mga tao dito sa backstage, di ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag o hindi. Nilalamon na ako ng kaba. Siguro kada segundo parang ayaw ko nang ituloy to. Negative na kung negative, pero kailangan ko pa rin dito ang tibay ng loob.

Inaayusan na ako ng isang stylist na hinayre pa ni Mama. Kitams, sa sobrang supportive niya, siya ang gumastos ng lahat: mula sa costumes, make-ups, props, etc. Di ko pa lang alam kung pano ko siya pasasalamatan sa support. Pero tanging ang Championship trophy lang ang maaari kong ibigay sa kanya bilang kapalit sa malaking utang na loob.

Maski na rin si Ate na tumulong sa iba pang gawain.

Di pa diyan nawawala ang mga kaklase ko. Mula practice sa studio hanggang sa classroom, nandoon ang kanilang support.

Tinuruan pa nila ako ng iba pang mga chords lalo na ang mga power chords. Sabi nila, hindi daw ako gagamit ng capo sa lahat ng tutugtugin ko. It's either naka-set na sa tamang tono ang gitara o hindi. Basta walang capo. At isa pa, walang kantang puro kay Tay ang kakantahin ko. Some of them are OPM, gagawan ko ng revive, o mula sa mga ibang artists. That's one of the hardest things na gagawin ko sa buong buhay ko.

Sinabihan pa nila akong huwag kabahan sa laban lalo na't si Hanna ang makakalaban ko. At bilang dagdag support, gagawa daw sila ng banner (tarp pa nga daw) at ilan pang pang-cheer. Jusko, mas lalo naman sigurong kakabahan sa mga yan.

At sa mga oras na ito, inaayusan ni Ate Gaye ang buhok ko habang nakikinig sa headphones at nimamaster ang aking mga piyesa.

"Ally, may mga bisita ka!" ani Ate. Agad akong napatanggal ng headset ko. And the squad is here!

"Wow. Ang gourg mo ngayon sis. Next time palit tayo ng fez ha?" palanding sabi ni Vhin sakin. Muntik ko pa nga siyang batukan.

"Loko ka talaga. Mga Pards, napapunta kayo dito?" pag-iibang tanong ko habang pinipigilan ang tawa ko.

"Wala lang. Papanuorin ka sana namin kung pano ka ayusan," ani Lianne na nakangiting hanggang tainga. "Mas gumaganda ka kapag inaayusan."

"Tss, hindi rin. Papangit din naman ako neto," patawang sagot ko.

"Siya nga pala, Ally. May ipapakita kami sayo!" singit ni Abby tska tumalikod at nay pinakita.

Nakangiti lang ako habang hinihintay ko sila sa kung ano pa ang ipapakita nila sakin.

"TADAAAAHHHH!"

Nawala bigla ang ngiti ko.

GABBY + ALLY = <3
GO! GO! GO!
FIGHT! FIGHT! FIGHT!
LOSE!
HAHAHA!

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon