Chapter 29

76 4 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-17-2018)


---

"GONZAGA, BUMALIK ang pilay ko sa right ankle mo. Di ba nga nadulas ka noong elimination niyo sa cook fest?" tanong sakin ni ate Nars na siya rin ang gumamot sakin noong cook fest.

"Opo, ate."

"At saka, may sprain ka sa kanang tuhod mo, ano bang nangyari diyan?" tanong niya.

"Noong lalo pong kumirot yung sa right ankle, na-out of balance po ako. Tapos napaupo ako sa sahig," sagot ko.

"Biglaan ba? Paanong upo?"

"Biglaan po. Yung ano po, parang lumuhod siya at umupo," sabi ni Gab.

"Ah... kaya naman pala. Naipit yata kung mga muscle tissues mo sa joints mo sa tuhod," sabi ng nars. Tumango ako. "Kaya ganito, kapag hinawakan ko ito..."

"AHHHH! ANG SAKIT!"

"May nararamdaman ka bang naipit?"

"Opo."

"Yun yon, ano bang laban niyo kanina?" tanong ulit ng nars.

"Badminton po, championship," sagot ni Ivan.

"Waw naman, so sinong nanalo?"

Hindi pa sasagot ang isa saming lahat dito sa tanong ni nars noong pumasok si Abby, Lianne at Vhin. Nabalitaan yata nila ang tungkol sa injury ko.

"Sister Ally! Okay ka lang ba?" tanong ni Vhin sakin.

"Me-medyo..."

"Saang masakit?" tanong niya. "Dito ba?" bigla niyang hinawakan ang kanang tuhod ko na may sprain.

"Hoy bakla, huwag mong hawakan yan!"

Hindi na siya nakinig sa sinabi ko, tinuloy pa rin, kaya nangawa ako sa sobrang sakit.

"Vhin naman eh, ang tanga nito. May sprain nga si Ally diyan!" singit ni Gab bago pa niya sapukin si Vhin.

"Sorry naman... teka. Ano yung sprain?" tanong niya.

"I-wikipedia mo!" sagot ni Gab sa kanya.

"Ikaw nga bakla, lumabas ka na lang dito!" sabi ni Lianne sa likod niya at biglang piningot ang tenga ni Vhin at hinila palabas ng clinic. Tumawa kaming lahat na nandito.

"Oh, Ally. Are you alright?" tanong sakin ni Abby. "I know may sprain ka daw, tapos may pilay pa."

"Oo nga eh," sagot ko.

"Ate Nars, paano na po yan. Baka di pa po tapos ang laban namin." sabi ni Ivan.

"Tapos na!" sagot ni Abby sa kanya. "Sina Gab at Ally ang nanalo. Kami ang champion!"

"Ehh... talaga?" pagtataka ko.

"Oo, sabi kasi ni Sir Petalcurin, nasalo mo naman daw ang tira mo na dapat kay Gretchen. Hindi nasalo ni Gretchen kaya yun, kayo ang nanalo. Isang puntos nga lang ang lamang niyo kina kuya eh," paliwanag ni Abby.

"Oh, Gab! Nanalo tayo!" sabi ko kay Gab sabay apir sa kanya.

"Oo nga pala, Gab! Kuya Ivan, may laban kayo ngayon sa basketball di ba?" tanong ni Abby. "Sabi nga pala ni Sir Basco, tawag daw kayo sa may locker room sa basketball court. ASAP daw."

"Eh, paano si Ally?" tanong ni Ivan.

"Ako na muna bahala sa kanya."

"Oy, mga gamit mo pala, Ally oh!" sabi ni Gretchen sabay bigay niya skain. "Mauna na muna ako ah!"

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon