© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-14-2018)
---
"MAY PILAY si Ally sa kanang ankle," pahayag ng nurse noong nakarating na kami sa clinic at pina-check ang paa ko. "Masakit ba ang pagkakadulas mo? Ally?"
Nagulat ako at napatingin sa nurse, "Opo, grabe naman po kasi ang natapakan ko. Matubig."
"Matubig?" pagtataka ni Gab. "Nasa plastik ba?'
"Parang," pag-dedescribe ko. "Basta, pagka-atras ko, may natapakan ako. Tapos ayun, nadulas ako."
"Ayan kasi, di nag-iingat eh," singit naman ni Ivan. "So, miss hanggang anong oras siya dito. This can heal naman di ba?"
"So, siguro dito muna magste-stay si Ally hanggang uwian. Balita ko kasi, may elimination pa kayo para sa cook fest next week," sabi ni ate nurse.
"Opo," sagot ni Patty. "Di pa nga po tapos eh."
"Ano na? Alis na tayo? Gutom na ako eh!" sabi ni Andrei.
"Sus, puro pagkain ang nasa isip nito!" sutil naman ni Gab. "Dito muna ako. Mauna ka na. Mauna na kayo ni Patty."
"Oy, maiwan kayo ng para sakin ah!" sabi ko sa kanila. Alangan namang hindi nila ako tirhan. Unfair!
"Oo naman..." sabi ni Patty. "So, ate, salamat po! Ingat ka diyan Ally, magpagaling ka!"
"Okay!" sagot ko.
Saka na nila ako iniwan.
Nakaupo pa rin ako sa tabi ng higaan dito sa loob. Umalis saglit ang nurse, may kinuha yata. Tiningan ko ang paa ko, kanang paa. At huminga ng malalim. Sana gumaling ako. Sana manalo rin sila sa elimination. Sana!
"Ally, umupo ka ng maayos!" sabi sakin ng nurse at lumuhod sa harap ko. May inilabas siyang bandage, at dahan-dahang inilagay sa kanang paa ko. "Ineng, wag kang masyadong tumayo, tumalon, maglakad at tumakbo. Mas lalong lalala ang pilay mo, lalo pa't nasa ankle pa," bilin sakin ni nurse.
Nakikinig lang ako sa kanya habang nilalagay ang bandage sa kanang paa ko.
"Magpahinga ka muna diyan... baka mas lumala e. Pagalitan ko nga mamaya kung sinong naghulog nun," ani Gab.
"Ally, inom ka muna..." napatingin ako kay Ivan na mukhang hingal na hingal at may dalang bote ng tubig.
"Wow, nag-abala pa... may klase ka ba?" tanong ko.
"Wala nga kaming teacher e."
"Eh how do you know na nandito ako at nadulas?"
"Someone reported me. Okay na yun para mabantayan kita," Ivan smiled.
"Tama na landi..." napatingin ako sa bumulong. Gabby? Eh?!
"Ally... mas maigi na munang ipahinga ito, Ally," bilin ni nurse sakin, "Saka, one to two weeks ang tagal nito bago gumaling. Kapag nanalo kayo sa elimination, maaaring magiging maayos na ang lagay nito, at konting kirot na lang ang mararamdaman mo."
Tumango ako sa kanya.
"Humiga ka muna diyan, i-stretch mo muna ang paa mo. Magpahinga ka muna."
Sumunod naman ako sa kanya. Humiga ako at inalalayan ang paa ko na makatuwid. Hinawakan pa ako ng dala for additional support. Nanlisik ang mga tingin ko sa kanila, telling them howdareyoutotouchme.
Napatingil naman ang dalawa at umupo sa kani-kanilang mga upuan. Isa sa kanan ko, isa naman sa kaliwa. They are gabby and Ivan, respectively.
--
Naimulat ko ang mga mata ko. Umunat ng konti. Tumingin sa paligid. Tumingin ako sa orasan, 4 o'clock na... uwian na agad? Nakatulog na pala ako.
Tiningan ko ang paa ko at ginalaw. Masakit pa rin ng very-very light. Buti naman at nakayanan ko nang igalaw. Kesa naman kanina na wala talaga, sobrang sakit na halos di mo maigalaw.
Tumingin ako sa paligid. Wala si nurse? Iniwan ako? Tssk...
Tumingin ako ulit sa paligid at nag-masidmasid. "Ally, gising ka na pala!" Biglang gulat ko noong si Ivan ay lumapit sakin.
"Oo..." sagot ko, nakangiti. "Nandito ka pala?"
"Alangan naman. Nabalitaan ko kasi na nadulas ka kanina sa elimination niyo para sa cook fest. Sinabi sakin ni Abby kanina."
"Ah... eh nasaan si Abby? Si Gab?" tanong ko.
"Nasa klasrum yun, may homeroom daw. Malapit naman na din matapos yun, kaya mamaya, pupunta dito para sunduin ka," paliwanag niya. Okay. "Hayaan mo na yung mga yun, pupunta naman sila dito."
Nagbuntong-hininga ako.
"Masakit ba rin ba?" tanong niya sakin.
"Oo... sobra!" sagot ko.
"HAHAHAHAHAHA!"
Napa-eww look ako sa kanya. Problema nito?
"Hoy! Para kang tanga!"
"Ally, naman eh! Sorry! Natatawa lang ako sayo!" sabi ni Ivan. Nagtampo ako at di ko siya pinansin. Bahala ka!
"Guys! Nanalo tayo! Yehey!" may narinig akong sigaw ng babae mula sa labas. Pumasok din sila kalaunan sa clinic, yun ay ang mga ka-grupo ko, kasama si Lianne, Abby at ang namimiss kong baklitang Vhin.
"Talaga?" sabi ko, nagulat ako.
"Oo, angat na angat ang tempura natin!" pasayang sabi ni Patty.
"Good news ha?" sabi ko.
"Siyempre, eto oh. As your request, may iniwan kami sayo!" sabi ni Ange. Tawa lang ng tawa ang iba naming kasama.
Kinuha ni Ange ang naka-tupperware na tempura. Dalawa pa ang itinira nila. Nilapit naman ni Andrei ang sauce. "Siyempre, mas feel mo ang lasa kapag naka-chop sticks!" binigay niya sakin ang chopsticks at tinikman ang luto nila. Sinawsaw ko ang tempura sa sauce... at... tinikman.
Noong kinain ko na, agad silang anim napatingin sakin. Ba't ganyan kayo makatingin?
Maya-maya, noong tinikman ko na, nagulat ako sa lasa. Nasa langit na ba ako? ANGSARAP!!!!
"Good job! Winning to!" patuwa kong sabi.
"Talaga?"
"Siya nga pala, kayo na na ni Ivan Ally?" singit ni Patty.
Natahimik ako, napatingin ako kay Ivan. Siya rin, walang sinabi, siguro alam niya rin ang nasa newspaper. "Baka naman kase, si Ally ang kasama mo nung Sabado," dagdag ni Ange.
"Alam nila?" bulong niya.
"Yung?"
"Headline."
Hindi na ako napasagot, sasabihin ko na ba?
"Ally, okay na ba yang pilay mo?" tanong sakin ni Gab bilang pang-iiba sa usapan. Salamat din, alam niya eh.
"Hmm... medyo!" sabi ko. Biglang napatingin si Ivan kay Gab. Ughh, eto na naman, mag-aaway na naman ba itong dalawang to?
"Uwi na tayo. Dala ko na bag mo!" sabi sakin ni Ivan. Inalalayan akong tumayo sa higaan. "Nagpaalam naman na ako! Uwi na tayo?"
I only nodded habang inalalayan ako.
"Ally, makakapasok ka pa ba bukas?" tanong ni Gab. Isa pa tong nag-alala.
"Siguro... depende!" sagot ko.
"Dapat lang!" sabi ni Patty. "May award pa tayo bukas, prize pala."
"Talaga?!" pagulat ko. "Ano nanan?"
"Secret!" saka kami tumawa at umalis. Na may kasama pang pilay. Ibang klase!
Nanalo kami. Thanks Lord!
Pero si headline, surely sa Cook Fest mas lalong kakalat. Patay.
HANDA AKONG PATUNAYANG WALA PA YAN, KAHIT MAY MAINIS MAN.
![](https://img.wattpad.com/cover/30754276-288-k438036.jpg)
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Teen FictionSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...