Chapter 48

49 2 0
                                    


© something_kyish, 2015-2018 (Edited 10-25-2018)



ON THE last years, sobrang halaga sakin ng Valentine's. Wala pang dating day, but as a kid since childhood, kasa-kasama ko lang sina Mama, Papa at Ate Aiza na nagmo-mall at binibili ang mga bagay na gusto ko. A great family bonding, kaya sobrang memorable sakin yun.

Hindi nag-laon, as years go by, nakikita ko na rin yung iba pang essence nito. Once I saw my Ate holding a boquet of flowers nung high school pa siya. Sa totoo nga lang sobrang bango na ng kuwarto niya dahil sigruo day-by-day may nagbibigay sa kanya. Minsan ko na rin naitatanong sakanya kung bakit may mga ganyan siya. Ang sagot niya, "Hayaan mo yang mga yun. Trip nilang magbigay ng flowers for me, edi okay."

"Pero ate, is that the way of showing their love for you?" a young and innocent me once asked.

"Siguro nga, giving flowers shows respect and admiration, ading."

"That means they admire you? Liligawan ka ba nila?"

"Hindi ko masabi eh."

"What if ate, if they will do it?"

"Then bring it. Let's see what wil happen."

Thus, Valentine's day is also the day where some persons can easily admit their feelings sa isang taong gusto nila. Way na rin ng dumadamoves na panliligaw. Basta, if a person admires someone, then they will take this opportunity to show it to them. Kaya naman pala, how romantic. Nagiging romantic sila hanggang maaari, kahit sobrang conry na.

And today is that day.

Sabado. Nasa bahay lang ako at abala kami ni Ate na magluto ng Valentine cake. Napagtripan eh. Di pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa nabasa ko kagabi. So totoo talaga. Manliligaw daw? Iyon ang word na di pa nangsi-sink in sa utak ko hanggang ngayon.

Depende lang talaga kung seryoso siya.

"Ate, ilagay na ba natin to sa oven?" tanong ko kay Ate.

"O sige. Prepare na ako ng icing!" sagot ni Ate. Haggard na siya eh. "Ally, ang saya mo ngayon! Ang lakas mo kung makangiti eh, abot hanggang tenga. Grabe siya!"

Napatingin ako kay Ate sabay alis ang ngiti ko. "Owws? Nakangiti daw? Krimen na ba ang ngumiti ngayon?"

"Gaga, hindi. Mukha ka lang baliw diyan!" kantiyaw ni Ate. "Siguro masaya ka gawa ng may nagbigay sayo ng letter mula sa admirer mo kahapon."

"What? Wala. Asa namang may magbibigay sakin. Duh!"

"Talaga?"

"Alliana, anak! May bisita ka?"

Nagulat agad ako sa sinabi ni Mama. Agad akong napatanggal ng apron. O gosh, is this real? Ang bad timing naman oh, ang haggard ko. Shit.

"Ay, magandang hapon po," bati ni Gab kay Mama.

"Ay iho, napadalaw ka?" tanong ni Mama.

"Tita, gusto ko lang po sanang yayain sa date ang anak niyo."

Ano? What? Okay, hindi ako na-inform. Pero makikipag-date ako na ganito ang itsura ko. Parang mali naman yata to. Langya. Agad akong nagtago sa may kusina. Nakakahiya ang itsura ko. Shet.

"Si Alliana ba? Okay, free naman siya ngayon!" Agad na sagot ni Mama. Nakikisakay din. Pero, is this really happening?

"Ate, si Gaboo nandiyan! Anong gagawin ko?" Di ko ba alam kung kikiligin ba ako o hindi.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon