Chapter 3
I beamed so wide when he remained speechless. Mukhang naestatwa pa yata ang loko. Tuluyang nawala ang pagkahilo ko dahil sa pagkaaliw sa kanya. Pinipigilan ko na lang talagang matawa nang tuluyan.
"Hi, Toper!" bati at untag ko sa kanya sabay wagayway pa ng kamay sa harap niya. Bumalik ang ngisi ko nang mapansin ang pagkurap niya nang ilang beses.
"So totoo pala." Umatras ako kaya nabitawan niya ang braso ko. Tila wala sa sariling naupo siya ulit sa puwesto ko kanina kaya sa katabing bar stool na lang ako naupo.
Sinenyasan ko ang bartender ng isa pang Apple Martini bago humarap ulit sa kanya. Titig na titig pa rin siya at gusto ko na talagang matawa.
"Ikaw pala talaga ang may-ari nito," kunwari ay inosenteng komento ko kahit simula pa lang ay alam ko nang siya naman talaga. I raised my right brow to stifle a smile. "Bakit Mico Moco?"
"Mico Moco..."
Wala pa rin siya sa sarili niya nang ulitin niya iyon kaya natawa na ako. Why was he looking at me as if he was lovestruck or something? I just survived a hell week pero heto siya at parang diyosa ako kung titigan. Was he blind that he couldn't see the dark circles under my eyes, my hollowed cheeks and the mini pimple at the side of my lower lip?
Napailing na lang ako. Walang kaso sa akin kung titigan man niya ako pero hindi ba siya nahihiya? Naiilang?
"So, Toper..." untag ko ulit sa kanya. "How's Migo?"
His forehead automatically creased in annoyance. Tila iyon lang ang kailangan para maibalik ko siya sa kasalukuyan. I laughed out loud to tease him more.
Ba't ka galit, Toper? Ano'ng masama sa tanong ko? Kinukumusta ko lang naman ang Kuya mo.
Hindi niya talaga sinagot ang tanong ko. Nginisihan ko na lamang siya bago itinuon ang pansin sa aking inumin. I felt so triumphant whenever he got pissed off like this. Isang banggit lang talaga sa Kuya niya, sira na agad ang mundo niya. At hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa ako kapag ganoon.
I couldn't say that this was our first conversation after a long time. Aside from his unexpected apology, he never really talked again.
The next day, nagising ako sa sunud-sunod na katok ni Mama. Napabalikwas ako ng bangon nang matanto kong suot ko pa rin ang damit ko kahapon. Para tuloy akong naligo sa alak sa amoy ko ngayon.
I groaned when I saw that it was already two in the afternoon. Ang sakit ng ulo ko kahit hindi naman ako nalasing kagabi.
"Ano'ng oras na, Deb? Kanina ka pa hinihintay ni Loey!" malakas na sabi ni Mama sabay dabog ulit sa pintuan.
I groaned again. Hindi ko matandaang may usapan kami ngayon ni Loey na magkikita. Bumangon na ako't lumabas ng kuwarto na sabog pa ang buhok at minamantika pa ang buong mukha.
Sumimangot agad si Mama nang maamoy ako. "Ano ba iyan, bata ka? Para kang lumangoy sa alak!" Sabay layo sa akin.
Natatawang tumayo naman si Loey mula sa sofa at lumapit sa akin. "Hay naku, Tita. Kung alam niyo lang po, alak na alak na rin po ako," aniyang napabuntong hininga. "Ano'ng nangyari sa iyo, Deb? Mukhang sabog ka pa. Gala tayo. Naka-free day rin ako sa wakas!"
Bihis na bihis na nga siya samantalang ako ay parang nakipagbardagulan sa mga alak.
"Kanina pa kita ginigising," dagdag ni Mama habang ipinagpatuloy na ang pagtutupi ng mga damit sa sofa at panonood ng TV. "Ano'ng oras ka ba umuwi kagabi at ni hindi na kita namalayan?"
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...