Chapter 15
Nanggigigil na tinusok-tusok ko ang pritong isda at ginisang repolyo na may itlog. Pero sa halip na ituon ang buong pansin sa pagkain, heto ako at kinakain na ng sarili kong konsensiya.
Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang tawag ni Toper pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa utak ko ang mga sinabi ko sa kanya.
Really, Danique? Anak, kasal... What the fuck? It was just a one-night stand. Casual sex sa pagitan ng dalawang taong matagal nang magkakilala. Ba't parang ginawa kong big deal masyado at napadpad na agad sa kasal ang utak ko?
Napakagat-labi ako. I admitted that I was a bit harsh with my choice of words. At habang paulit-ulit kong binabalikan iyon sa isipan ko, mas lalo akong nagagaspangan sa ugali ko. Kaya mas lalo akong nginangatngat ng konsensiya ko. Kung bakit kasi nasabi ko pa iyon. I knew that I needed to clarify the real deal between us – we will still remain as friends despite what happened – but I could've chosen another way of telling him about that without hurting his ego. I probably got his ego bruised, right? Hindi kasi siya nakapagsalita agad pagkatapos niyon.
I mean, who wouldn't be hurt by that? Para ko na ring sinabi na ayokong magkaanak na galing sa kanya, na parang pinandidirihan ko ang lahi niya, sino'ng hindi masasaling ang ego roon?
Natigilan ako nang marinig ang biglang pagtikhim ni Mama. Kaharap ko siya ngayon sa hapag.
"Hindi ka lalabas ngayong gabi?"
"Hindi muna, Ma."
Muli siyang napatikhim sa sagot ko. "May... problema ba, anak?"
Umangat agad ang tingin ko sa kanya.
"Sa trabaho?" dugtong niya. "Sanay akong ginagabi ka na sa pag-uwi at nagsasabi ka naman. That's why I got really worried last night. First time mong hindi umuwi nang hindi nagpapaalam."
Another wave of guilt washed over me. Parami na nang parami ang mga inililihim ko sa kanya. Pakiramdam ko tuloy, natatambak na ang mga iyon sa utak ko kaya bumibigat ang dibdib ko. I felt like I was failing her without her knowing.
Napayuko ako sa aking plato at nagsimula nang kumain. Sa halip na sagutin ang tanong niya, isang tanong din ang kumawala sa bibig ko. Isa sa mga tanong na matagal nang bumabagabag sa akin.
"Ma, did you ever regret having me?" Natigilan siya sa akmang pagsubo dahil doon. Nakonsensiya ako agad kaya ngumiti ako nang tingnan ko siya ulit para hindi niya masyadong isipin.
Napahinga siya nang malalim. "Never, Deb."
"Even when I was..." Pabuga akong huminga. "Never mind, Ma."
Napalunok ako para alisin ang bikig sa aking lalamunan. Mas lalo akong nginatngat ng konsensiya ko. Bakit ko pa tinanong iyon? Kailanman ay hindi ko naramdamang may sama ng loob sa akin si Mama. Lumaki ako sa pag-aaruga at kalinga niya. Walang kulang at madalas na sobrang pagmamahal pa ang ibinibigay niya sa akin. Paano ko nagawang kuwestiyunin iyon?
Because of my thirst for answers, I probably ended up reopening an old wound. It had been twenty-five years. At minsan ko lang siyang nakitang umiyak dahil sa sugat na iyon. That was right before we left San Juan when she told me all about it.
At kung nasaktan ko man siya sa tanong ko ngayon, hindi niya ipinahalata. Sa halip ay ngumiti pa siya nang masuyo.
"You were never unwanted, Deb. Always remember that. You erased all the bad memories as soon as you opened your eyes for the first time. I am forever grateful that God chose me to be your mother."
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
Genel KurguSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...