Chapter 24

621 44 15
                                    

Chapter 24

"I want a kid."

Ano'ng klaseng text naman 'to? Wrong sent ba siya? May babae na naman ba siya? Kaya siya hindi na nagpaparamdam sa akin dahil may dinidiskartehan nang iba? Nakakita lang ng iba, nakalimutan na ang kaibigan, ganoon?

But then I remembered, ang sabi niya ay wala naman daw siyang mga babae. Na imagination ko lang ang pagkakaroon niya ng mga babae. Na simula nang mapagkamalan akong girlfriend niya noong high school at sumabog ang usap-usapang pinagpustahan lang namin siya, hindi na siya muling nagka-girlfriend. Kahit sa kolehiyo. And even after that. Even with his line of work now.

True to his words, wala nga naman akong nakitang babae na lagi niyang kasama. Kahit noong unang beses na muli kaming nagkita at isang taon na hindi nagpansinan, wala akong nakita bukod sa mga babaeng nakakasalamuha niya na konektado sa kanyang trabaho at sa mundo ng mixology at bartending. Hindi ko na iyon bibilangin dahil hindi naman iyon maiiwasan. Pero kung regular na kasama, wala.

May mga tsismis akong naririnig galing sa tsismosong si Ardo sa tuwing may interview ako sa kanila pero wala nga naman akong nakita. He was always with his brothers and sister. If not, then with Lyricbeat and Ashley. Na nitong nakaraan ay nahinuha kong may gusto sa kanya. Pero hindi naman iyon counted kung hindi siya ang may gusto. But then, what if nagkakamabutihan na pala ngayon?

Kung ganoon, was this text intended for her? Wrong sent nga?

"Then get married," I coldly replied. Baka kasi wrong sent pala talaga, eh 'di napahiya pa ako.

Tumunog ang cellphone ko. Ang bilis mag-reply!

"Will you marry me?"

Huh? Lasing ba ito? I was now certain that this message wasn't sent by accident. Imposibleng magkamali ng taong padadalhan ng mensahe nang dalawang beses. Kung nagkamali siya, makikita na niya iyon agad sa pag-reply ko pa lang. Kahit gaano ka pa kalasing, mababasa mo pa rin kung sino ang sender at receiver. So this message was for me, I was sure.

But a sudden proposal?!

Halos mapudpod ang mga daliri ko sa diin ng pagtipa ko sa screen. "Ba't mo ako idadamay?!" Nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko. Lalo na sa sunod na natanggap kong reply mula sa kanya.

"I want a baby with my grumpy Danem."

"I am not your Danem! And I am not grumpy!"

"You are my Danem. And yes, you are definitely grumpy."

May kissing emoji pa sa dulo niyon. Yuck! Ano'ng nakain niya?!

"You're just horny! Maligo ka sa malamig na tubig!" Pagkatapos ay inihagis ko na ulit ang cellphone ko palayo sa akin para hindi ko siya mamura sa text. Mumurahin ko na lang siya sa personal sa susunod na magkita ulit kami.

Pinasakit ko pa ang ulo ko sa pag-iisip kung bakit hindi na siya nagpapakita at nagpaparamdam, tapos ngayong nag-text na, nambuwisit lang naman! Ba't parang nagkabaliktad kami? Ako itong laging pikon sa kanya ngayon. Makita ko lang ang mukha niya, kumukulo na agad ang dugo ko. Ngayon ay pati sa text. It should be the other way around. This wasn't right, Danique. Toper should be the one suffering. Not me.

The next day was Saturday. At nagising ako sa lakas ng ringtone malapit sa tainga ko. Toper was freaking calling me so early in the morning!

Napabalikwas ako ng bangon nang makita ang liwanag sa labas mula sa bintana. Ano'ng oras na ba?

I saw from my phone that it was already nine in the morning. Patuloy pa rin iyon sa pag-iingay kaya sinagot ko na ang tawag, kasabay ng muling pagbagsak ko ng katawan sa kama. Nagtaklob ako ng kumot.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon