Chapter 12

716 46 6
                                    

Chapter 12

"Can I see you later, Danique?"

Napakagat-labi na lang ako habang nasa cellphone pa rin ang tingin. Hindi ko alam kung pang-ilang text message na ito ni Toper sa akin ngayong linggo. He finally got my phone number – not from me but from Chloe Cornelia.

Ibinigay niya agad nang maghiwalay kami nang araw na nagpa-test ako. It wasn't like she was going somewhere far away. She was just busy with medical school. Pero ba't parang ipinapamigay na niya ako kay Toper? Dati-rati, todo paalala siya na mag-ingat ako sa lalaking iyon. Ngayon ay siya na ang nagtutulak sa akin.

Toper had sent me his first text message right away that very same day. Hindi ako nag-reply at kahit nang tinawagan niya ako ay hindi ko rin sinagot. Sampung araw na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano'ng isasagot ko sa kanya. Noong nakaraang weekend ay hindi rin ako nagpunta sa kanyang bistro. Bahay at opisina lang talaga ako. First time kong nag-pass sa fieldwork. Napansin ko kasing madalas ko siyang makita kung saan-saan kaya nanahimik na muna ako sa opisina. Hangga't maaari ay ayoko muna talagang magpakita sa kanya. Saka na kapag wala nang gumugulo sa utak ko.

Ang sunod na text message na natanggap ko ngayong araw ay galing kay Loey.

"Galit ka pa rin ba? Free day ko ngayon." May emoji pa siyang malungkot na parang nagpapaawa.

Kung free day niya at wala naman siyang readings, itulog niya na lang dapat. Kung hindi siya puyat sa dami ng mga binabasa, bugbog naman ang katawan sa pagod sa exposure nila sa ospital. Dapat ay ipinapahinga niya na lang ang utak niya sa tuwing may pagkakataon.

Hindi naman ako galit na binigay niya ang number ko kay Toper, kung iyon ang inaalala niya. Magulo lang talaga ang utak ko ngayon at tingin ko'y kailangan ko munang dumistansiya sa kanila hangga't hindi pa lumalabas ang resulta ng test.

Binitawan ko ang aking cellphone at muling itinuon ang atensiyon ko sa trabaho. Dalawang album review ang ipinapa-revise sa akin ni Tish mula sa dalawang magkaibang banda. Suwerte ko na lang talaga siguro na wala akong trabaho ngayon na related sa Lyricbeat.

It was thirty minutes before our dismissal when Enzo invited us for a night out. Alas kuwatro ng hapon ang usual time ng uwian namin pero nag-overtime kaming lahat ng tatlong oras kaya gabi na nang makalabas kami ng building.

I was initially planning to go home straight after work, just like what I had been doing in the past week. Pero nalunok ko na lang ang pagtanggi nang malaman kong birthday niya pala mamayang midnight. Pati si Letisha ay pinilit na rin ako kaya mas lalo akong nahirapang tumanggi.

"Sa Mico Moco tayo, ha? Birthday ko naman. Pagbigyan mo na ako ngayon," hirit pa ni Enzo habang hinihintay namin si Tish. Ngumisi siya nang umirap ako. "I don't know why you don't want us to hang out there. Feeling ko, may tinatago kang boyfriend doon. Ma-hunting nga."

Muli akong napairap at hindi na nakaganti nang dumating sina Tish at ang iba pa naming mga kasamahan. Alas nuwebe na ng gabi nang dumating kami sa bistro.

I had managed to be out of Toper's sight for the past ten days. And yet, here I am, dito pa rin sa bistro niya ang bagsak. Mali ba na hilingin kong sana ay wala siya rito ngayong gabi?

Pagpasok namin ay dinig na dinig agad ang malakas na pukpok ni Asher sa kanyang drums. It was so loud that I had to stay close to Enzo para marinig ko ang tanong niya.

"So, sino ang tinatago mo rito?"

Hindi na niya nakita ang irap ko dahil inikot niya ng tingin ang kabuuan ng lugar. Napailing na lang ako.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon