Chapter 31

658 51 12
                                    

Chapter 31

Sa sumunod na mga araw ay naging abala kami ni Loey sa pagbabalik ni Mama sa kanyang therapy.

Her previous doctor said a lot had improved since the last time he saw my mother. Kahit kasi hindi pa rin nakakalakad ay nagagawa nang igalaw ni Mama ang kanyang mga paa. Wala lang lakas tumayo at humakbang kaya doon daw kami magfo-focus sa gagawing treatments sa kanya.

Luckily, malaki ang naitulong ng mga pamimilit ko sa kanyang lumangoy noong nasa Orazon pa kami. Her nerves had been stretched in a healthy manner on a regular basis, and muscle wasting had been prevented.

Sa unang linggo ay sa SGH kami namalagi para sa kanyang daily assessment at physical therapy sessions. And so far, maganda naman daw ang response ng katawan ni Mama ngayon ayon sa doktor niya.

Treatment is always effective once you are willing to be treated, and Mama was more than willing. Eager, even, I must say.

I had no idea what prompted her to want to walk again. But I was thankful for whatever it was. Hindi ko na maalala kung kailan ko huling nakitang ngumiti siya nang ganito kasaya.

Dahil magsisimula na rin akong magtrabaho ulit, sinabi ko sa doktor kung puwedeng gawin na tuwing weekend na lamang ang session niya sa SGH para personal kong masamahan. I asked for a possible alternative treatment session that could be done at home during the weekdays, and the doctor gladly suggested that we install training stairs at home.

Iyon ang pinagkaabalahan namin ni Loey sa huling araw ko bago bumalik sa pagtatrabaho. Gawa sa kahoy ang binili namin para hindi madulas sa hawak at hakbang ni Mama. Adjustable din ang height niyon kung saan komportable si Mama. Bukod doon, puwede pa naming ipuwesto sa loob ng bahay o hindi kaya'y sa labas kung gustong magpaaraw ni Mama habang nag-eensayo. Hopefully, it will help strengthen her leg muscles again and improve her gait and balance.

Walang palya si Loey sa pagpunta sa amin kahit pa alam kong night shift siya nitong mga nakaraang gabi. Madalas ko nang tinataboy dahil kailangan din niyang matulog pero nagagalit pa kung aawatin ko. Mama had it easy because of her. She was patient enough to instruct her about the do's and don'ts.  Tuwang-tuwa naman si Kristen sa bawat hakbang na nagagawa nito kaya mas lalo itong ginanahang mag-ensayo.

Walong oras ang regular working hours ko sa Lyrica at sinigurado naman ako ni Mama na kaya na niyang alagaan si Kristen nang mag-isa sa mga oras na iyon. Mabuti na lang din at behave at hindi masyadong alagain ang anak ko. Nagsasabi naman agad kapag may kailangan siya o kung gutom siya.

Loey also assured me that she would be there once she was off duty. Ang gagawin ko na lang ay ipagluto sila ng agahan kasama na ang tanghalian para iinitin na lang ni Mama kapag gutom na siya.

Inihanda ko rin sa isang tabi ang mga gatas at snacks na kinakain ni Kristen at pati na rin ang mga diapers kung sakali. Hindi naman na rin iyon kailangan dahil nagsasabi na siya kung gusto niyang magbanyo. In case lang na kailanganin ay inihanda ko pa rin. I wanted everything to be readily available for Mama.

Mabigat ang loob kong iwan silang dalawa sa bahay pero kailangan kong magtrabaho para sa aming tatlo. At taliwas sa unang inakala ko, hindi naging problema iyon kay Kristen at tuwang-tuwa pa nang makita akong nagsisintas na ng sapatos.

It was her first time to see me get ready for real work. I wore an all-black turtle neck long sleeve shirt and high-waist slacks. Maging ang sinuot kong sapatos ay kulay itim din. My camera bag was also black. Ang tanging naiiba lang ay ang suot kong manipis na coat na kulay-abo at ang aking vanilla-colored na tote bag. At ang dating buhok na laging nakapusod nang mataas, it was now tied neatly in a ponytail.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon