Chapter 17

742 47 7
                                    

Chapter 17

Ayoko mang aminin pero natatakot akong lumapit sa kanya ulit dahil baka maulit ang nangyari sa amin. Magkaibigan kami at natatakot ako sa magiging konsikuwensiya ng mga ginawa namin.

As I have said before, I only trust four people in this world. Natatakot ako na maging tatlo na lang iyon kapag nawala siya dahil sa mga pinaggagagawa namin, dahil lang sa gusto ng mga katawan namin. Oo at aminado naman akong madalas ko siyang tuksuhin noon pero iyon ay dahil gusto ko lang siyang inisin.

Pero pakiramdam ko, kaunting-kaunti na lang at bibigay na naman ako sa kapusukan. Unti-unti nang naba-blangko ang utak ko habang iniisip na ganito siya kalapit ulit sa akin. Matagal na kaming magkaibigan at kahit hindi nagkita sa loob ng siyam na taon, walang nagbago sa turing ko sa kanya. He was a very dear friend to me. I never liked him romantically. But I also couldn't deny the fact that after my first time with him, ganito na ako agad kasensitibo kapag nasa paligid siya. Lalo na ngayon na ganito kami kalapit sa isa't isa.

My mind was slowly getting clouded with images and the sensations of our first night together. Mas lalong namula ang buong mukha ko.

"Uuwi na ako, Toper," pabulong na sagot ko.

Huminga siya nang malalim. Napapikit ako nang tumama iyon sa pisngi ko at hinayaang magwala ang imahinasyon ko.

"It's still early," tila hirap na sambit niya. "And why do I have this feeling that you don't want to?" Pabulong na rin iyon at mukhang apektado na rin sa pagkakalapit naming dalawa.

Tumindi ang iritasyong nararamdaman ko at tiningnan ko siya nang diretso para ipakita iyon. "At ano naman ang gagawin ko—"

Hindi ko na natapos ang pagsusungit nang salubungin niya ako ng halik. Awtomatikong napapikit ako at napamura na lang sa aking sarili nang kusang tumugon ang mga labi ko sa mga halik niya.

Napaungol ako nang hapitin niya ako sa baywang para lalong mapalapit sa kanya. Napakapit ako nang mahigpit sa kanyang braso. Nagpapasalamat akong sa pinakadulo ko nai-park ang aking sasakyan at madilim pa sa bahaging ito kaya alam kong walang makakapansin sa amin.

He groaned as I felt his growing bulge against my lower belly. "I missed you," bulong niya nang pakawalan niya ako. "So much..."

Napakurap-kurap ako.

"You look good with glasses," puri niya habang hindi inaalis ang titig sa akin. "Mas masungit tingnan. Mas hot."

Napalunok ako sa huling komento niya. I tried so hard to get my sanity back. Pero mukhang nagkalat na yata sila sa parking lot at wala nang balak bumalik pa sa akin.

"To your office again? Or... inside my car?" At patunay ang tanong na iyon na hindi na ako nag-iisip nang matino!

He groaned again as he placed his forehead on my left shoulder. "Damn it, Danique..." he breathily hissed. "Stop giving me ideas!"

I bit my lower lip.

Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Let's get out of here."

Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko siya.

Pinatakan niya ulit ng halik ang mga labi ko at mas lalong lumamlam ang mga mata. "Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magpigil, Danique. You go ahead first. You're free to choose. If you want to go home, it's alright. But if you want to stay, then let's go to my bistro. I'll be right behind you."

Natatakot ako sa mga emosyong nakikita ko sa mga mata niya. I was not scared for myself, though. I was scared for him. Pinipilit man niyang huwag ipahalata pero alam kong clingy siya, at kapag nagpatuloy kami sa ganito, what if he falls in love? I can not guarantee that I will catch him.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon