Chapter 35
Halos manuyo ang lalamunan ko habang inaabangan ko ang bawat hakbang niya palapit sa akin.
Alas otso pa lamang ng umaga at mukhang kakagising pa lamang niya. Magulo ang buhok at may gusot pa ang puting shirt na kakasuot lamang niya kaninang pagkabukas niya ng pintuan.
Naihilamos niya ang isa niyang kamay sa mukha at ang isa naman ay nakapamulsa sa suot niyang itim na pajama.
"Good morning," bati niya sa paos na boses nang tuluyang makalapit sa akin.
Bago pa man ako makaapuhap ng sagot ay kinuha na niya mula sa akin ang mga gamit ko.
"Nasa likod na sila. Wala pa sina Asher pero nandito na sina Leonardo. You can go there directly if you want. Ako na ang magdadala ng mga gamit mo sa kuwarto."
Tumalikod siya agad kaya ni hindi ko na rin nagawang magpasalamat.
I watched him go back to the house with my trolley in his right hand and my tote bag on his left shoulder. Humigpit ang hawak ko sa aking camera bag upang pigilan ang sariling kuhanan siya ng litrato.
Napailing ako at nagawa ko lang ihakbang ang aking mga paa nang tuluyan na siyang nakapasok sa bahay.
I came here for work. I should keep that in mind at all times. Pero magagawa ko kaya iyon ngayong nandito rin pala siya? I mean, why is he even here? Sumobra naman yata ang suporta niya sa pagbabalik-banda ng kanyang kapatid.
Ayon sa schedule, mananatili kami rito sa loob ng isang linggo. Paano ang bistro niya?
Lito pa rin ako nang umikot ako papunta sa likuran ng bahay. Bahagya lang na natauhan nang may makasalubong ako.
Bumagal ang hakbang ng dalawang may-edad pagkakita sa akin. Umaliwalas ang mukha ng babae habang ang lalaki naman ay binigyan ako ng masuyong ngiti.
Muling bumilis ang hakbang ng babae para lapitan ako. "Ikaw na ba si Danique?"
Nagtataka man kung paano niya nalaman ang pangalan ko ay tumango ako nang magalang. "Ako nga po," sagot ko bago nag-aalangang ngumiti sa kanilang dalawa.
"Naku! Ikinagagalak ka naming makilala, hija! Ako nga pala si Tessa. At ito ang asawa kong si Isko." Sabay pakilala sa kasama niyang lalaki.
Hindi ko pa rin alam kung paano ipapaliwanag sa sarili ko ang nakikita kong kasabikan at kagalakan sa mga mukha nila. This was my first time to meet them. So I couldn't really understand why they were so excited to meet me.
Simple at malinis ang pananamit nilang dalawa. Halata rin ang kabaitan base sa ginawa nilang pagbati sa akin. They must be the owners. O kung hindi man, baka mga hired caretakers ng property na ito.
"Nasa bahay na puno na silang lahat. Mauna ka na roon, hija, at tatawagin lang namin si Mico," magiliw na sambit naman ng may-edad na lalaki.
"Sige po." Ngumiti at tumango ako ulit kahit halos wala akong naintindihan sa mga sinabi nila.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Para lang muling matigilan nang bumalandra sa akin ang isa pang paraiso. Behind the huge castle-like house was a wide space for picnics, parties and such. Napapaikutin iyon ng mas maraming sunflowers. Mas malawak din at hindi na kita ang dulo.
May isang higanteng puno na nakatayo sa gilid ng pathway roon kung saan may malaking open tree house sa itaas na nagmistulang rest house. Mula roon sa itaas ay sigurado akong kita ang dulo ng lupain na 'to.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...