Chapter 41
Statement of Results: The alleged father cannot be excluded as the biological father of the tested child. Based on the analysis of STR loci listed above, the probability of paternity is 99.99999999%.
Nanginginig ang mga kamay na ibinalik ko sa loob ng envelope ang DNA test result na dinaanan ko pa kanina kay Kuya Damien bago pumasok sa trabaho.
Ilang ulit ko nang binasa iyon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano'ng mararamdaman ko.
Life really always has its way of hitting you in the gut with the answers just when you're on the verge of backing down. I was serious when I said that this would be the last time. Hindi ko naman akalain na ngayon ko makukuha ang sagot na matagal kong hinanap. Noong pursigido akong maghanap, napakailap. Ngayong pasuko na ako ay saka naman itatapon sa akin ang sagot. Ngayon pa kung kailan pagod na ako.
Why, of all people, did the person I least expected to be my father turn out to be the one?
Kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko na posibleng si Mr. Pereira ang tatay ko. He wasn't even on the hunt list my mother gave me. Kaya paano siya nasangkot sa gang rape na nangyari noon? Mama clearly said she remembered all their faces. And their names. How could she forget his?
I hid the small envelope on the inside pocket of my coat to make sure it was safe and it was with me all the time. Laman din iyon ng isipan ko buong umaga sa trabaho.
Isinubsob ko sa mga articles ang sarili ko para maabala ang utak ko. I did not even flinch when Tish invited me out for lunch. Pasalamat na lang ako na hindi rin nangulit si Enzo dahil may meeting siya ngayon. After what I found out last night, I don't think I could face him without feeling guilty or awkward, without thinking about the result.
Kung totoo ngang tatay ko si Mr. Pereira, that would mean Enzo and I were related by blood. At nahihirapan akong iproseso iyon. Finding out who my father was was already more than enough. Finding out that I had another family member was too much.
Alas dos na ng hapon nang makaramdam ako ng gutom. Malapit na akong matapos sa mga articles na inaayos ko kaya minabuti kong magpahinga muna at mananghalian.
Lutang pa rin ako nang bumaba ako ng building at nagtungo sa 9th Dose. Pakiramdam ko, kailangan ko ng maraming asukal sa katawan ngayon kaya bumili muna ako ng triple chocolate frappe sa halip na ang nakasanayang kape. Pagkatapos ay nilakad din ang Japanese restaurant sa malapit para um-order ng pinakamaanghang na ramen, and, of course, their special dried chili chips.
I was hoping that the combination of spice and sugar would make me feel something.
Sa pantry ako tumambay at kumain. Naubos ko na lang lahat ng pagkain, wala pa rin akong maramdaman. Lutang at bangag pa rin ako. Ni hindi ko namalayan ang paglipas ng oras habang pinapapak ko ang dried chili.
When I noticed that I had already eaten half of the container, saka lang ako nagkaroon ng lakas na ngumiti. Naalala kong isa ito sa mga pinaglihian ko noon nang ipagbuntis ko si Kristen. I suddenly missed her even when I was just with her this morning. Parang gusto ko na tuloy umuwi nang maaga para makita na siya ulit. Maybe I'd finally feel something once I see her.
Saktong alas tres na ng hapon nang lumabas ako ng pantry at natuon agad ang atensiyon ko sa aming bulletin board dahil maraming empleyado ang nagkukumpulan doon.
Wala na sana akong balak makiusyoso pero dahil madadaanan ko iyon papunta sa cubicle, hindi pa rin ako nakaiwas. Lalo na nang makita ako ni Tish at tila sabik na tinawag ako.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...