Chapter 5
Bakit sa tuwing paubos na ako sa pagod at sa mga iniisip ay lagi kong nakikita ang Suarez na 'to? And in every encounter, my problems would simply and magically vanish right away. As if they never even existed in the first place.
Sa patuloy na titigan namin, umatras ang mga luha ko at parang tangang nawala lahat ng dinadala kong bigat sa dibdib ko kani-kanina lang. Natabunan agad iyon ng imahe niyang kunot ang noo at doon agad dumikit ang atensiyon ko.
Napahinga ako nang malalim bago tuluyang bumaba ng hagdanan.
He watched every step I took and patiently waited for me.
I had no idea how he always managed to take my attention away from things that bother me. Maybe it was because of the way he looks at me. Na parang ako ang reyna ng mundo niya. Na parang sobrang taas ko at kailanma'y hindi babagsak. Which was ridiculous, right? Noong nakaraang taon lang kami ulit na nagkita at ganito na siya makatingin sa akin. The way he stares can really be deceiving. Kung ibang babae siguro ako ay iisipin ko nang may gusto siya sa akin. Kaya siguro ang daming nahuhumaling sa kanya. Tingin pa lang, parang sinasamba ka na.
Tumaas na ang kilay ko at tuluyan nang nakalimutan ang dinaramdam kanina nang nasa tapat na ako ng kanyang shotgun seat at nanatili pa rin siyang nakatitig.
"Sinusundo mo si Asher?"
Napakurap siya nang ilang beses at tila natauhan nang marinig ang tanong ko. Umayos siya ng upo habang ang kaliwang kamay ay nanatili sa manibela. Tumikhim siya at kumunot ang noo. "Ba't ko susunduin iyon, eh may sarili siyang sasakyan?"
Napakagat-labi ako para pigilan ang sariling mapangisi sa pagsusungit niya. "Ah, okay. Nagtanong lang naman, ang sungit mo agad. Bye."
Paalis na ako ngunit dagli ring natigilan nang marinig ang sunod na sinabi niya.
"Ikaw ang sinusundo ko."
Kagat-labi pa ring napabaling ako ulit sa kanya. "Bakit mo naman ako susunduin, eh may sarili rin akong sasakyan?" balik ko sa sinabi niya kanina.
I smirked when he tried to avoid my gaze. He sighed in exasperation while looking ahead at the outdoor parking area in front of us.
"Do you want to hang out?" labas sa ilong na tanong niya.
I chuckled. "Ang sincere naman. Hindi sa akin nakatingin."
Kunot-noong tiningnan niya ako. "Do you want to hang out or not?"
"Ooh... Mapuwersa," pang-aasar ko sa kanya. "Bye! Enjoy yourself!"
Tumayo na ako nang tuwid at balak na siyang iwan. Ang luwang ng ngiti ko nang marinig ko ang pagpalatak niya kasabay ng pagbukas ng pintuan ng kanyang sasakyan.
"Danique," he impatiently called me. "Get in."
Inaasar ko lang naman siya. Wala naman talaga akong balak na iwan siya. Pero siyempre, hindi ko na iyon sasabihin pa sa kanya dahil baka bigla siyang sumabog sa iritasyon.
Natatawang sumakay ako at naupo sa shotgun seat. "Hindi ka ba sanay ma-reject?" I mocked him playfully. "Mag-ingat ka, Suarez. Baka ma-in love ka sa akin."
I grinned when he couldn't answer. Kunot-noong pinaandar na niya ang kanyang sasakyan. Tuluyang pinanindigan ang hindi pagsagot sa babala ko.
Nalampasin na namin ang aking sasakyan nang maisipan kong magtanong. "Where are you taking me?"
Hindi siya ulit sumagot kaya nangiti na naman ako. "Ang pikon mo naman. Nagbibiro lang naman. I'm harmless. Huwag kang matakot, Suarez. Hindi ka mahuhulog sa akin."
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...