Chapter 39

675 45 15
                                    

Chapter 39

I was in tenth grade when I found out that Mama was gang-raped.

Malapit nang lumubog ang araw nang pauwi na ako galing eskuwelahan. Ni hindi ko na nagawang magpalit ng uniform at suot ko pa rin ang jersey shirt ni Toper nang makauwi ako. I was still ecstatic 'cause I aced the try-out for basketball a while ago. Opisyal na akong kasama sa team sa darating na huling phase ng Palaro.

Pagpasok ko pa lang sa gate ng aming bahay ay namataan ko agad si Mama sa bukana ng pintuan na may mga inaayos na papeles.

Nang mag-angat siya ng tingin ay sa suot ko agad siya napatingin. Naninibago siguro dahil ngayon niya lang ako nakitang nagsuot ng jersey. I was never into sports. Ngayon lang dahil sa kagustuhan ni Loey. Hindi ko naman inakalang may itinatago pala akong galing sa basketball.

Hindi ko na sana bibigyan pa ng kahulugan ang pagtagal ng titig ni Mama sa suot ko kung hindi lang siya nag-react na tila may kahalong takot nang malampasan ko siya.

"S-Saan mo iyan nakuha, Deb? May kilala kang Suarez?" halatang kabadong tanong niya na ikinakunot na ng noo ko.

"Kay Toper po, Ma. Hindi ko ba nasabi sa inyo ang apelyido niya?" tanong ko bago tumuloy sa sofa.

Hindi ko pa nailalagay ang bag ko sa upuan ay nakasunod na agad siya sa akin. "Suarez ang batang iyon? Kilala mo ang mga magulang niya?!"

Nawi-weird-uhan na ako sa mga tanong niya lalo na at parang unti-unting tumataas ang boses niya pero sinagot ko pa rin. "Matagal na kaming magkaibigan, Ma. Siyempre ay kilala ko. Lahat silang magkakapatid, kilala sa school. Half-Korean, half-Filipino. Malapit lang ang bahay nila rito sa ati—"

"Oh, my God!" Napahawak siya sa noo niya at napaupo sa tabi ko.

Napaayos tuloy ako ng upo sa kaba. "Bakit, Ma?"

I could see panic in her eyes when she looked at me. "Nam Jae Si? Danzel Danilo Suarez?"

Lumalim ang kunot sa noo ko. "Kilala mo sila, Ma?"

I watched her stand up and pace back and forth. Tila hindi alam ang gagawin sa kumpirmasyon ko. "How did you know them, Ma?"

Huminga siya nang malalim. "Pack your things, Danique. We need to leave," aniya bago dumiretso sa kanyang kuwarto.

As soon as she said my first name, I knew something was wrong. Umusbong ang pagdududa sa dibdib ko nang hindi niya sinagot nang diretso ang tanong ko.

Sumunod ako sa kanyang kuwarto at natigagal na lang nang makita kong nakalatag na ang malaking maleta sa kanyang kama.

"Ma, bakit?" nalilitong tanong ko. "Bakit tayo aalis? Ano'ng kinalaman nito sa mga Suarez?"

Ibinagsak niya ang mga damit sa maleta. "Hindi nila tayo puwedeng makita, Deb! Hindi ako puwedeng makita ni Dan!"

"Ang Papa ni Toper? You know him personally, Ma?" The moment I uttered those words, tila may light bulb na biglang nag-switch sa utak ko. "Ma, don't tell me..."

Mas lalo siyang hindi magkandaugaga sa pagliligpit ng mga gamit.

"Ma, is Toper's father... my father?"

Napasinghap ako pagkatapos kong itanong iyon. Mas lalong namayani ang pagdududa ko. Because why else would Mama react like this as soon as she found out that Toper was the son of Danzel and Jessie Suarez?

Iyon lang ang tanging naiisip kong puwedeng maging dahilan. Na baka pareho kami ng tatay ng kaibigan ko.

"No!" agad niyang tanggi.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon