Chapter 21
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Humalukipkip ako nang tuluyan nang nakalapit sa kanya. "Wala ka bang pinagkakaabalahan? Ba't palagi kang nandito?"
Bahagyang kumibot ang kilay niya sa sunud-sunod na tanong ko. Nawala ang kunot sa noo at napakagat-labi, tila nagpipigil ng ngiti. Parang natutuwa pa sa pagsusungit ko.
"Czeila baked some cupcakes. Dinalhan ko sina Asher. Dadalhan ko pa lang din sina Kuya Iñigo at Papa," paliwanag niya sa tonong naninimbang. "She made some for you, too."
I did not buy that, of course. Duda pa rin ako sa totoong dahilan niya. Pang-ilang beses na kasi ito at sa tuwing tinatanong ko ay kung anu-ano na lang ang alibi niya. Kesyo nakalimutan daw ni Asher ang drumsticks nito, which was ridiculous dahil alam kong kumpleto sa mga kagamitan ang kanilang studio. At kung wala naman, Troy's shop was just on the second floor. All the musical instruments they would need were readily available there.
Kesyo naghatid lang daw ito ng baon, na ang hirap ding paniwalaan dahil may cafeteria naman sa building. Kesyo bored at naisipang bumisita at kung anu-ano pang mga dahilan.
Kapani-paniwala na sana itong alibi niya ngayon. Ang kaso, dahil sa ilang ulit nang nangyari, hindi ko na mapigilang magduda. Lalo na't hindi lang siya rito bigla-biglang nagpapakita. Napapadalas na rin sa fieldwork.
"Who was that?"
Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko sina Tish at Enzo na nasa itaas at gitna na ng overpass.
"That boy, huh?"
"Ano'ng 'that boy?'" Mas lalong kumunot ang noo ko sa tono niya.
"The reason why you left earlier than they did on the night I found you at the bar."
Agad kong naalala kung ano ang tinutukoy niya. It was the night we met on the dance floor at some high-end club near his bistro. At nang muling pumasok sa utak ko kung ano'ng mga sinabi niya nang gabing iyon, lalong tumindi ang iritasyon ko sa kanya.
"Who? Enzo?" Bumalik ang tingin ko sa kanya at natawa nang pagak. "He is a year younger than me. Are you for real? Pati bata, pagseselosan mo?"
"I am just aski—"
"Puro na lang walang katuturan 'yang mga pinagseselosan mo. Enzo and I are just friends. I don't like him the way you think I do."
"Was it because of Kuya Migo, then?" kunot-noong tanong niya.
Mas lalo akong nanggalaiti. "I don't like your brother! Ikaw lang 'tong nag-conclude dahil lang palagi akong nagtatanong tungkol sa kanya noon. Palagi kang napipikon, that's why I used it against you, to annoy you more. Happy now? I don't like him! And I don't like you, either!"
Napahinga siya nang malalim. "Did you have a bad day? Or are you just plainly mad at me?"
Hindi ako sumagot at itinuon na lang ang pansin sa magulong kalsada sa unahan namin. I couldn't answer because I also had no idea. Baka napuno lang ako sa pagpunta-punta niya rito. Baka napuno na ako sa kakulitan niya. Nang makilala ko ang plate number niya kanina ay kumulo na agad ang dugo ko sa inis.
He sighed again. "Kumain ka na?" At mas masuyo na rin ngayon ang boses niya.
"Kakain na sana kung hindi ka lang dumating." Isa pa rin yata iyon sa ikinasama ng loob ko. Hindi ko na makita sina Tish at Enzo sa dagat ng mga tao sa kabila. Malamang ay nasa loob na iyon ng restaurant at umo-order na.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...