Chapter 32

612 45 4
                                    

Chapter 32

Tumaas ang kilay ni Toper nang hindi ako makasagot. Bumuntong hininga at saka nag-angat ng kamay para mas lalong ibaba ang sumbrerong suot ko at matakpan ang mukha ko.

Napasimangot ako at nang ayusin ko iyon at mag-angat ng tingin ay nakita kong naglalakad na siya patungo sa kanyang bistro.

My heart was still pounding hard, but this time, it was because of irritation. Kay-daling napalitan ng iritasyon ang kaba ko kanina. Alam ko na ngayong galit nga siya sa akin. Sigurado na ako.

Pero bakit kalmado pa rin siya? Na para bang wala lang sa kanya. Ba't hindi niya ako kumprontahin?

He should just lash out at me and tell me why the fuck he was upset with me. Hindi 'yong ganitong para akong nakabitin sa ere sa paghihintay kung kailan siya sasabog.

I composed myself first before following him inside. Sinalubong ako ng ingay ng mga tao pagbukas ko pa lamang ng pinto. Maliwanag pa ang ilaw at kasabay ng pag-alis ko ng suot na sumbrero ay ang pag-dim niyon.

Namataan ko siyang nasa likod na ng bar counter at nagsusuot na ng kulay-brown na apron.

Hindi pa nagsisimula ang event pero halos puno na ang buong bistro. Mas marami na ang mga lamesa ngayon kumpara sa naaalala ko noon. Sa pinakalikod ay may mga magkakabarkadang nagkakabit ng malalaking placards sa dingding bilang suporta sa banda.

Sa itaas ng stage ay naroon naman sina Zel, Ardo at Maddison na nagse-set up ng kani-kanilang instruments. Wala pa sina Troy at Czeila. Nang mag-angat ako ng tingin sa usual table nila sa ikalawang palapag ay wala ring tao roon.

I put Enzo's cap inside my bag before walking towards the mini bar. Nag-iwas ng tingin si Toper nang maupo ako sa tapat niya habang may nililinisan siyang kopita. Pagkatapos ay tinalikuran niya ako.

Ang akala ko ay iiwasan niya ako. Nagulat na lang ako nang humarap siya ulit at may hawak nang shaker sa kanang kamay. Ang kaliwang kamay naman niya ay naglapag ng flute sa harap ko.

After a few seconds of shaking, he expertly poured the drink into the glass in front of me. "Where have you been?"

Hindi matanggal ang tingin ko sa inuming inihahanda niya. I watched how its sparkle settled down. It was "Danique's Baby." I had no doubt.

"Sa Lyrica," I almost whispered. At nang mag-angat ako ng tingin ay magkasalubong na ang mga kilay niya.

Nagpakawala ako ng buntong hininga. I just answered his question truthfully, galit naman siya agad diyan.

I carefully sipped on my drink while he continued with his work. Unti-unti na ring naging okupado ang mga katabi kong silya kaya mas lalo siyang naging abala. At kahit dumating na ang kasama niyang bartender, nagpatuloy pa rin siya sa pagtulong.

He got so busy that I couldn't help but stare at him. Malaya kong pinagmasdan ang pagpaparoo't parito niya. I was sure that he had gotten bulkier since the last time I saw him. Mas matangkad din siyang tingnan ngayon, kung possible man iyon. He was wearing one of his usual henley shirts, this time in midnight blue, and the sleeves were hugging his biceps so well and so tight. At mas lalo lang nadedepina ang laki ng mga iyon sa bawat galaw niya.

His slightly damp hair – wavy and a bit curly at its ends – was also longer now. May iilang hibla na nakabagsak sa noo niya. His facial features looked more mature than ever, more defined, lalo na ngayong kunot ang noo niya. Walang bahid ng ngiting makikita. At ang maitim na mga mata ay mas lalong dumilim na tila lulunurin ka na kung susubukan mong makipagtitigan.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon