Chapter 46
I saw how Toper's gaze darkened. Matagal siyang napatitig kay Kristen at maging ang anak ko ay natigilan din. Hindi ko magawang magbaba ng tingin para tingnan ang reaksiyon niya. My eyes were glued to her father's face, but I could feel how she tightened her hug around my leg.
Kunot-noong ibinalik sa akin ni Toper ang kanyang tingin.
Mas lalo akong nanigas. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Parang tatalon na palabas ang puso ko sa sobrang lakas ng pagkabog niyon.
"Papa?"
It was Kristen who broke the silence. Mahina lang ang pagkakasabi niya pero sapat na iyon upang makuha ang atensiyon ng kanyang Papa.
Naabutan ko pa ang pagbaba ng tingin ni Toper ulit sa anak namin bago ako napapikit.
Maraming beses ko nang narinig si Kristen na binigkas ang katagang iyon pero iba ang atake sa akin niyon ngayon. This time, her voice was full of raw hope and uncertainty at the same time. Parang umaasa siyang tama siya sa hula niya sa pagkakataong ito pero tila alam din niyang itatanggi ko ulit iyon.
That thought made it more painful for me than the previous times she asked me that. The pain was more raw, slicing through me until it reached the depths of my heart. I strongly believed I'd take more than a million lifetimes to recover from this.
Nang muli akong magmulat, para akong sinaksak nang paulit-ulit nang makita kong namumula na ang mga mata ni Toper.
Wala talagang araw na hindi ako puwedeng masaktan. I guess this was karma telling me that I deserved this for lying for such a long time. Kahit pa balak ko nang dalhin si Kristen sa kanya bukas, hindi na ako hinayaan ng langit at talagang pinili ang araw na ito para saktan ako. On the exact day I wanted Kristen to be at her happiest, the heavens decided to rain pain on me.
"M-Ma..." tawag ko sa garalgal na boses. "Ma, kunin niyo muna si Kristen."
"Deb, ang tagal naman niya—" Natigilan at napasinghap si Loey nang makita kung sino ang nasa harap namin ngayon. "Mico!"
"Kunin mo muna si Kristen, please," pabulong na pakiusap ko.
"Why, Mama?!" protesta kaagad ng anak ko sabay tingala sa akin.
Napilitan akong tingnan siya at kitang-kita ko ang agarang pangingilid ng mga luha niya. Muli niyang tiningnan si Toper at nang hawakan siya ni Loey sa braso ay tuluyan na siyang napaluha.
Nagmatigas siya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa binti ko. Pero nang ako na mismo ang nag-alis sa mga braso niya ay pumalahaw na siya ng iyak.
"Why po, Mama?! Is he Papa?!" sigaw niya.
Lumunok ako para alisin ang bara sa aking lalamunan at tinalikuran na siya para lapitan si Toper na hanggang ngayon ay hindi pa rin makagalaw.
I tried so hard to look at him in the eyes. "Let's talk, Toper."
Lumabas ako agad ng gate pagkatapos kong sabihin iyon pero agad niya akong pinigilan sa braso. Nang lingunin ko siya ay parang piniga na naman ang puso ko sa aking nakita.
Hawak niya ako pero ang mga mata niya'y nakatuon pa rin sa umiiyak na si Kristen habang pilit na pinapasok nina Loey at Mama sa loob.
"We will talk, Toper," I assured him. Each word pushed daggers into my chest.
Nilingon niya ako at saka ko lang natanto na mas may isasakit pa pala ng mga sugat ko. Kunot ang noo niya at halatang litung-lito. Nagsusumamo ang mga mata at punung-puno ng iba't ibang emosyon.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...