Chapter 16

712 44 9
                                    

Chapter 16

Asher Jed and Czeila Aryeza followed me on Instagram. Hindi ko ginawang big deal iyon dahil halos pareho naman kami ng mundong ginagalawan at madalas ding magkita. Pero nang makita ko ang kasunod ng dalawa ay nakaramdam na ako ng pagdududa.

Suarez_NamJaeSi started following you.

An hour ago.

Huling kita ko kay Tita Jessie ay noong high school pa lamang ako. And from what I could remember, she had been oddly fond of me. Kapag pinupuntahan niya noon sa school ang mga anak at nakikita niya kami ni Loey, mas inuuna niya pa kaming yakapin ng kaibigan ko. I could understand the thing about Loey because they were family friends. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pati sa akin, natutuwa siya? Wala akong ibang koneksiyon sa pamilya nila kung hindi si Loey lang. At saka si Toper.

Naiilang man sa nakakadudang magkasunod na pag-follow sa akin ng mga mag-ina, nagpasya akong ignorahin na lamang iyon. I was sure that I was just overthinking. Masyado na yata akong nawalan ng tiwala sa mga tao na pati simpleng pagf-follow sa akin sa social media ay binibigyan ko agad ng kahulugan. Pinili kong alagaan ang trust issues ko para protektahan ang sarili mula sa hindi ko kilalang ama at mula sa mga masasamang-loob. Pero sumobra naman yata dahil pati si Tita Jessie ay pinagdududahan ko. At dahil lang sa napakasimpleng bagay.

I adjusted my camera lens as Zodiac continued performing on stage. Nasa isang hotel ako ngayon sa Makati kung saan ginanap ang mini-concert sa rooftop niyon. Limited ang mga manonood at music journalists at isa ako sa mga mapalad na napiling nakapasok. The goal of the organizer was to launch new craft cocktails and to promote new rock bands. May sampung banda ang naimbitahan at nabigyan ng tsansang mag-perform nang live.

Hindi ko makuhanan ng magandang anggulo ang Zodiac kaya mula sa puwesto ko ay gumilid ako nang kaunti habang ang paningin ay nakatutok sa camera. Hindi ko alam kung dahil ba sa iba't ibang liwanag at kulay ng ilaw sa kabuuan ng venue kaya nanlalabo ang mga mata ko o dahil tinotopak ang camera ko.

Bumalik ako sa lamesa at naupo saglit. Pumikit ako saglit at nang magmulat ay kinuha ang aking tote bag. Nang mahanap ang aking salamin ay isinuot ko agad iyon. Bahagyang na-relax ang mga mata ko.

After a few minutes, itinaas ko na iyon at hinayaan sa aking ulo nang balikan ko ang ginagawa. Ngunit bigla ko ring nailayo ang sarili mula sa camera nang may mahagip ang aking mga mata sa video.

Ang stage ay naka-set up sa pinakagitna ng rooftop at kaming mga journalists at ibang manonood ay nakapaikot sa kanila sa kanya-kanyang tall bar tables. Ang puwesto ko ay katapat ng stage. And from where I was seated, my camera managed to capture Toper from the other side, sa mismong likuran ng tumutugtog na banda.

Tiningnan ko agad ang puwesto kung saan siya nahagip ng camera ngunit wala naman siya roon. Maraming tao sa banda roon at halos isa-isahin ko na ang mga lamesa pero hindi ko naman siya nakita. I even had to put on my eyeglasses again to make sure pero wala pa rin. Imahinasyon ko lang siguro o baka namalik-mata lang.

Because why would he even be here? This event was for beginners in craft cocktails. Batikan na siya sa larangang iyon kaya wala akong makitang dahilan para magpunta siya.

Hindi na ako nagtanggal ng salamin nang muli kong ipokus ang camera sa bandang tumutugtog sa harap. Tumayo ako at naglakad nang kaunti para makahanap ng magandang anggulo. Natigilan lang nang may mabangga ako. Agad niya akong nahawakan sa kaliwang braso para hindi kami matumba. I wasn't looking, and it was my fault. Hihingi na sana ako ng dispensa ngunit nalunok ko na lang iyon nang mag-angat ako ng tingin at namukhaan si Toper.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon