Chapter 44

754 44 27
                                    

Chapter 44

I can't believe this! I just finished sorting out my problem with Mama, and now I have to deal with Miguel Suarez.

Halos paliparin ko na ang sasakyan patungo sa kinaroroonan nina Loey at ng anak ko. Ni hindi na ako nakapagpaalam kay Mama.

Nakailang missed calls si Loey kanina at nang sagutin ko naman ay si Miguel ang nasa kabilang linya. Parang gustong humiwalay ng kaluluwa ko sa katawan ko nang magpakilala siya. Toper's brother was with my best friend and my daughter!

Imposibleng hindi pa niya alam na pamangkin niya si Kristen. Isang tingin pa lang, at kahit hindi niya masyadong titigan, alam kong alam na niyang anak namin ni Toper si Kristen.

Pagkatapos niyang sabihin na gusto niya akong makausap, ibinalik na niya kay Loey ang cellphone.

Hindi magkamayaw ang kaibigan ko sa paghingi ng tawad sa akin. Ipinaliwanag niya kung bakit niya dinala si Kristen sa tower ng condo unit niya at nang paalis na sila ay saka nila nakasalubong si Miguel. Hindi na sila pinakawalan ng nakatatandang kapatid ni Toper lalo na't nagtanong si Kristen kung tatay raw niya ba ito.

Dumadagundong na sa kaba ang dibdib ko nang marating ko ang parking area ng condo tower. Pagkahinto ko sa kotse ay nagmamadali na akong bumaba.

Mabilis ang mga hakbang ko papasok sa entrance ng building. Tinatawagan ko si Loey nang bigla ko silang mahagip ng tingin sa isang outdoor café.

Hinihingal pa ako nang tuluyang makalapit sa kanila.

Loey immediately stood up while Kristen was hugging her from the side. Miguel, on the other hand, looked at me without any expression at all. Hindi ko mabasa kung ano'ng tumatakbo sa utak niya ngayon.

Hindi ko na alam kung pang-ilang beses nang nadurog ang puso ko para kay Kristen. But as I watched her looking at Miguel curiously, I felt like there was no heart left in me anymore. Ubos na ubos na ako.

At hindi pa yata nakuntento ang tadhana dahil nang makita niya ako, ang unang mga salitang lumabas sa bibig niya ay, "Mama! He is Papa's friend!"

Her curious eyes looked hopeful. Sa iilang beses na niyang nabigo, ngayon ay tila muling umaasa.

Umiling si Loey habang nakatingin sa akin, halatang hindi iyon kayang sagutin. Ako man ay ganoon din. Hindi ko rin alam kung paano ko papabulaanan iyon. Ni hindi ko na magawang makaramdam ng gulat na iniisip niyang kaibigan ito ng Papa niya.

Parang nauupos na apoy na lumapit ako nang tuluyan sa kanilang tatlo. Hindi ko magawang tumabi sa anak ko. I felt like a walking broken glass and if I touch her, I'm afraid I might break her as well.

"Pupuwede ba tayong mag-usap nang wala sila?" kabadong tanong ko kay Miguel.

He looked at Loey. Napabuntong hininga ang kaibigan ko, agad itong naintindihan kahit wala pang sinasabi.

Kita ko iyon nang balingan niya ako. "Sa Baskin lang muna kami, Deb."

Tila nakakaintindi rin namang sumunod lamang si Kristen sa kanya matapos akong tapunan ng tingin. Disappointment and sadness were now etched on her little face.

Bumalik ang tingin ko kay Miguel at naabutan kong sinusundan niya rin ng tingin ang kanyang pamangkin. Bumigay ang mga tuhod ko at napaupo ako sa kaharap na upuan niya. Saka lang siya napabaling sa akin.

Napahinga siya nang malalim. Ilang sandali ang lumipas na tanging katahimikan lamang ang naghari sa pagitan naming dalawa. I didn't know how to break it. I was afraid to break it.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon