Chapter 9
"What the fuck, Toper?" I hissed at him. Napaatras ako habang kinakalma ang kabog ng dibdib ko.
"What? Ano na naman ang ginawa ko?"
"Ano'ng ginagawa mo riyan?" pabulong pa rin na asik ko sa kanya.
Dahil nasa madilim na bahagi kami ng beach, hindi ko napansin na may tao palang nakaupo sa isa sa mga nakahilerang wooden bench. Bukod sa wala na ngang ilaw at wala pang buwan, nakaitim na t-shirt pa siya at board shorts.
Tumayo siya at nakapamulsang lumapit sa akin. Unti-unti kong nakita ang kalhati ng mukha niya dahil sa liwanag na nagmumula sa bonfire na ginawa ng mga kasama namin.
"Ba't nandito ka at nagda-drama riyan sa dilim? Sad boy iyan?"
Kinunutan niya ako ng noo. "Akala ko, nagbago ang isip mo at hindi ka na sasama?" tanong din niya sa halip na sagutin ako.
Napahalukipkip ako. Hindi na nga sana talaga. Mas gusto ko na lang magtrabaho sa cottage pero letse 'yong laptop at na-low batt naman kaya wala akong choice kung hindi lumabas. Saan pa ba ako pupunta kung hindi sa mga kasama namin?
"Sasama ka naman talaga noong una pero nang makita mong sumunod ako sa mga kapatid ko, bigla kang umatras," he scoffed.
Natawa ako nang pagak nang muli ko siyang tingnan at nakita ang pagmamaktol sa mukha niya. I bit my lower lip. Bakit ba lahat na lang ng ginagawa ko at desisyon ko sa buhay ay ginagawang big deal ng lalaking 'to? Gusto ko lang naman magtrabaho nang maaga.
"Stop biting your lip," mahinang asik niya.
"Eh, ba't ka galit?" pang-aasar ko sa kanya. "Kanina ka pa, ah."
I saw how his Adam's apple moved when he swallowed before looking away. Itinuon niya ang kanyang paningin sa mga kasamahan naming nagkakatuwaan sa paligid ng bonfire. Dahil doon, tila sumasayaw ang repleksiyon ng apoy sa mga mata niya. Muli siyang napalunok na naging dahilan din ng pag-igting ng kanyang panga.
Before I could stop myself, I lifted my hand and extended it to touch his stubbles and stroke it lightly.
"Huwag ka nang magalit, Toper," pang-aasar ko sa kanya at sinadya ko pang palambingin ang boses. "Kahit hindi ko alam kung bakit ka galit."
Natawa na ako at inalis ang aking kamay nang lingunin niya ako ulit. Kunot pa rin ang noo niya pero kalmado na ang boses nang muling magsalita. "Do you want to join them?"
Napatingin ako sa kasiyahang nagaganap sa may bonfire. Naririnig ko ang malakas na tawanan nina Zeldon mula rito sa kinatatayuan namin. May isang babae silang tinutukso na gawin ang kung anumang dare na naisipan nilang ipagawa.
Napahalukipkip ako. "Hmm... Not really." No choice lang talaga ako kaya rito ako nagtungo.
Nakita kong sa pag-iwas ng babae sa pangungulit nina Ardo ay napabaling siya sa banda namin. Agad niya kaming namataan at napatayo sabay kaway. Napatingin tuloy sa amin ang lahat.
"Kuya Mico, ang tagal mo!" reklamo ni Czeila pero nang makita ako ay agad na umaliwalas ang mukha. "Ate Deb! Halina kayo!"
Kagat-labing napatingin ako sa katabi kong nakasimangot pa rin. Naalis lang nang lapitan kami ng babaeng kinakantiyawan nila kanina. Nang makalapit siya ay saka ko nakilala. Manager pala ng Lyricbeat.
Sinulyapan niya ako saglit bago niya hinarap at hinawakan sa braso si Toper. "Kanina ka pa namin hinihintay. Saan ka galing?" tanong niya habang hinihingal nang bahagya. Tumakbo kasi palapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...