Chapter 19

722 56 18
                                    

Chapter 19

"Why did you block him?" tanong ko sa kanya nang palabas na kami ng bistro habang kinakalikot ang sarili kong Instagram account.

Nagpaalam na ako sa mga kasama namin na uuwi na ako dahil bukod sa hatinggabi na, hindi rin kami makapag-usap at makapagtalo nang maayos sa lamesa dahil maririnig kami ng lahat.

"Don't you dare unblock him, Danique," walang kabuhay-buhay na banta niya sa akin nang huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Nahigit niya ako bigla palapit sa kanya dahil muntik na akong madaganan ng mga nagbibiruang lalaki na nakasalubong namin. Hindi ko napansin sa kakatingin ko sa cellphone.

"At bakit hindi? Inaano ba ako ng tao? Nakakahiya at nangba-block ako nang walang dahilan," reklamo ko nang magpatuloy kami sa paglalakad.

"Ba't ka mahihiya?" napipikon nang tanong niya nang tuluyan na kaming makalabas sa back door.

Hatinggabi na pero mainit pa rin ang hanging dumampi sa mga pisngi ko. Pupunahin ko na sana iyon kung hindi lang siya nagpatuloy sa litanya niya.

"Hindi naman kayo close. At saka, hindi niya iyan mapapansin dahil wala naman 'yang pakialam sa lahat." Tinalikuran na niya ako at naglakad na patungo sa mga sasakyan namin.

Sumunod ako kaagad. "Malalaman niya iyon dahil kaka-follow niya lang sa akin. At bakit ba parang sinisiraan mo sa akin ang Kuya mo?"

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Napairap ako sa likod niya. "What's the big deal about following someone on Instagram? Almost all of your family members have followed me already. Ano'ng masama kapag pati si Migo? I could just... not follow him back. No need to block him agad-agad. Ano na lang ang iisipin ng tao?"

He sighed in frustration as he stopped beside our cars. "Huwag mo nang problemahin ang iisipin ni Kuya."

Napasandal siya sa kotse ko nang humalukipkip ako sa harap niya. "Nagseselos ka ba?"

Napahinga siya nang malalim. "Did you like my new drinks?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ko.

Tumaas ang kilay ko roon. Ba't siya umiiwas sa tanong ko? Ano'ng mahirap doon? Siyempre, dapat ay hindi. Magkaibigan lang kami. Pero oo nga pala at kahit sa ganoong klase ng relasyon ay alam kong may pagka-territorial talaga siya. Napailing na lang ako at pinalampas ang pagmamaktol niya. Baka abutin kami rito ng umaga sa pagtatalo kapag pinatulan ko.

Ilang sandali muna ang pinalampas ko bago ako napanguso. "Hmm... Puwede na."

"Iyon lang?" tila dismayadong sagot niya.

"Bakit 'Danem?'" ganti ko agad. Akala niya ba ay hindi ko mapapansin na pangalan ko iyon? Hindi ako slow katulad ni Ardo.

"Ihahatid na kita," iwas niya ulit.

Kumunot na ang noo ko. Kanina ay nagagalit siya sa tuwing iniiwasan ko ang mga tanong niya, ngayon ay siya naman itong nagmamaktol at iwas nang iwas.

"Huwag na. Umuwi ka na rin or... umuuwi ka pa ba?" My eyes shot up to the third floor of his bistro.

"Nakainom ka," paalala niya sa akin.

"And how many times have I told you already? Hindi ako madaling malasing. Now get out of my way and let me through so I can go home. Ano'ng oras na, Toper, oh?" Napairap ako.

As I started my engine, napailing na lang ako nang makita kong sumakay siya sa kanyang kotse at ganoon din ang ginawa. Nasa likuran ko siya ngunit kitang-kita ko mula sa wing mirror. Kapag umaandar talaga ang kakulitan niya, ang hirap pigilan.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon