Epilogue
Mula sa isinusulat na article ay napaangat ako ng tingin nang makarinig ng mahinang katok sa pintuan ng classroom.
Agad na itinakip ni Toper ang palad niya sa buong mukha ko at saka pinadausdos pababa. Nang bawiin niya iyon ay lukot ang mukhang inirapan ko siya. Break time na at wala nang teacher kaya ang lakas ng loob mambuwisit sa mismong classroom namin.
Kalahati yata ng klase ay nandito pa rin. Ang iba ay gumagawa ng assignment para sa mga susunod na subjects habang ang iba nama'y tamang jamming lang sa sulok.
Nakangisi at nakapamulsa ang isang kamay na umatras si Toper, nasa labas pa rin. Pagkatapos ay iwinagayway ng isa pang kamay ang hawak na malaking notebook na may disenyo ng sunflower.
Napilitan tuloy akong bitawan ang ballpen ko't tumayo para lumabas.
Mas lalong lumuwang ang ngisi niya at ibinaba na ang hawak na notebook bago itinago iyon sa kanyang likuran.
"Tapos na?" I asked in a monotone.
Pinilit kong huwag ipahalata na naiinis ako sa pang-iistorbo niya sa pagsusulat ko. Kailangan kong magpakabait dahil hawak niya ang assignment ko sa TLE. Nakalimutan kong gawin iyon kagabi dahil masyado akong naging abala sa school paper namin. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin tapos.
Inilahad ko ang aking kamay para sa notebook pero umiling siya, hindi pa rin mawala ang ngisi.
"What's with your hair? They're all over your face," nang-uuyam na puna niya. Humakbang siya nang isang beses palapit sa akin sabay angat ng isang kamay para hawakan ang ilang hibla ng buhok kong gulo na at nililipad ng hangin.
"Where's my assignment?" I demanded. Malumanay naman ang pagkakasabi ko pero hindi ko napigilan ang bahagyang diin sa boses ko.
Kung anu-ano pa kasi ang pinupuna niya. Napaghahalataan tuloy na pinapatagal lang niya. Alam niyang maraming may crush sa kanya rito sa building ng junior high school. Gusto pa yatang ibalandra ang pagmumukha niya at magpapansin.
Naghahanap ng bagong girlfriend? What happened to the girl I caught him kissing at the library last week? Ang Suarez na 'to talaga!
"Quits na tayo, ha? Wala kang nakita," paalala niya bago ibinigay sa akin ang notebook.
I smirked, and it was my turn to secure my notebook behind me. "Paano ba iyan? Masyado na akong maraming nakita."
Last week, I caught him kissing her classmate behind the shelves at the library. Kunwari pang may kinuha lang na libro. At hindi lang iyon. Just like the first day I met him, I've caught him countless times kissing random girls in different parts of the campus.
Ang hilig niya sa halik! He was only in senior high school. Pero ang mga nakikita kong nakahalikan niya, all ages. Mayroong kolehiyo na at ilang taon ang tanda sa kanya, mayroong mga kapwa niya senior high at mayroon ding mga ka-batch ko na kaedaran niya. So far, hindi pa naman siya nanghalik ng mas bata sa kanyang edad. Hindi ko pa naman siya nahuhuli.
The last time I caught him, naabutan ko siyang inaangat na ang skirt ng kahalikan. Hindi lang niya natuloy dahil nakita niya akong nakamasid sa kanila.
Pulang-pula siya no'n pero tinaasan ko lang ng kilay sabay halukipkip.
Galit na galit siya dahil ang bata ko pa raw para tumingin sa mga ganoon. Wow! Kung ayaw niyang makakita ako ng mga ganoon, edi huwag siyang magkalat sa campus! Kung saan-saang lugar na lang kasi siya nakikipaghalikan, ano'ng ine-expect niya? Walang makakakita sa ginagawa nila?
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...