Chapter 23

653 42 16
                                    

Chapter 23

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Toper bago siya tumayo nang tuwid.

Sa sobrang iritasyon ko sa kanya ay hindi ko na hinintay kung ano ang susunod na gagawin o sasabihin niya. Agad ko nang pinaandar ang saakyan paalis sabay sara ng bintana sa gilid ko. I took a deep breath to calm myself down. Sana lang ay hindi gaanong mabigat ang traffic. Late na talaga ako.

Mabilis na sumunod sa akin si Toper. Mula sa wing mirror ay kita ko ang malaking sasakyan niya sa likuran. Ang akala ko ay pauwi na siya. Pero hindi na rin ako nagtaka nang makarating kami sa XYZ Records at nakita kong nakasunod pa rin siya sa akin.

I parked at my usual spot. He parked beside me. Pero hindi na niya ako hinintay pang bumaba at walang lingon-likod na nauna nang maglakad papunta sa building.

Saktong pagpatay ko ng makina ng kotse ay nakita kong kakalabas naman ni Ashley mula sa 9th Dose café. Agad na umaliwalas ang mukha niya nang makita si Toper na naglalakad na papunta sa building. Tinawag niya agad ito, hindi maitago ang tuwa at ngiti sa mukha. Napalingon naman ang letse sa tawag niya at nang makita siya, tumigil ito at hinintay siyang makalapit.

Halos umawang ang labi ko sa eksenang nasaksihan. Mas lalo lang nasira ang araw ko nang sabay silang pumasok sa building.

Bitbit ang cupcakes na bigay sa akin ni Czeila ay masama ang loob kong bumaba ng sasakyan. Late na ako pero hindi na ako nagmadaling pumanhik dahil wala na rin namang saysay. Wala sa sariling pumasok ako sa elevator at pinindot ang numero ng palapag namin. Mabuti na lang at mag-isa ako sa loob.

"Oh! Saan ka nanggaling? Naghintay kami," bungad agad ni Letisha sa akin pagkabalik ko sa cubicle. "Ano'ng nangyari? Parang dinaanan ng bagyo 'yang buhok mo. Nakipagsabunutan ka ba?"

I touched my hair and she was right. Kahit hindi na ako tumingin sa salamin, alam kong lumilipad na ang mga hibla niyon.

"Binilhan kita ng ramen. Hindi ba, sabi mo ay nagke-crave ka ng maanghang?" Si Enzo naman ngayon ang lumapit sa akin para ilapag ang paper bag sa table ko. "Was that your boyfriend? Ang sama ng tingin sa akin! Nag-away ba kayo? Mukha kang stressed. Namumula ka."

Napabuga ako ng hangin. "Parang lalagnatin nga yata ako."

Mabilis na bumalik siya sa kanyang table at nang bumalik ay may dala nang tableta. "Inuman mo na agad iyan ng gamot."

Umiling ako habang ang mga mata ay nakatuon na sa computer. "Hindi. Itutulog ko na lang ito pag-uwi." Masyado yata akong nagpadala sa init ng ulo ko kanina kaya ngayon ay sumasama na ang pakiramdam ko. Bukod doon, ginugutom na naman ako kahit kakakain ko lang ng lunch.

Binuksan ko ang dalang box ng cupcakes at agad nang kumagat. Hindi ako nagkamali kanina at mocha flavor nga ang mga iyon. Binigyan ko rin sina Tish at Enzo. Pati na rin ang iba pa naming mga kasamahan.

Matamlay na ako pagsapit ng uwian. Pero nagawa ko pa ring tumigil sa isang Korean food stool para bumili ng teokbeokki habang nasa daan pauwi.

Mag-a-alas singko na nang makarating ako sa bahay. Wala si Mama at mukhang namalengke. Diretso ako agad sa kuwarto at inilatag sa maliit na foldable table ang mga pinamiling pagkain. Nagbihis at naghilamos lamang ako bago hinarap ang mga iyon.

I opened the lid of the ramen Enzo bought for me and found that the noodles had turned soggy already. Pero okay lang dahil ang habol ko naman ay ang anghang nito. Hindi ko na iyon ininit at inihalo ko na lang ang binili kong spicy rice cakes.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon