Chapter 47
Kulang ang mga salitang gumuho ang mundo ko para ilarawan ang naramdaman ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Toper.
I'm taking back what's mine...
Kristen is mine... but she's also his. And not even those three years I stole away from him could change that fact. Pagbali-baliktarin man ang mundo, anak niya si Kristen. Siya ang Papa ng anak ko.
Pero ang ibig ba niyang sabihin ay... kukunin niya sa akin si Kristen?
Aminado naman akong nagkamali ako sa pagtatago ko sa anak namin sa loob ng mahabang panahon. Hindi ko naman iyon itatanggi. Pero sapat na dahilan ba iyon para kunin niya sa akin ang anak namin?
I used to say I only had myself to trust. Including Mama, Loey and Toper. Nang kinailangan kong lumayo, naging tatlo na lang iyon. At naging apat ulit nang ipanganak ko si Kristen. Ang tatlong babae ang buong buhay ko at si Kristen ang pinakasentro ng lahat.
Kung mawawala siya, hindi ko na alam kung ano'ng mangyayari sa akin.
Natagalan ako sa pag-eempake ng mga gamit niya. Para akong zombie na namamanhid sa sobrang sakit ng mga sugat na hindi ko na alam kung saan nanggagaling. Bawat dampot ko sa mga gamit niya ay tila pinipiga ang kaloob-looban ko.
Mabuti na lang at nang magising siya kanina ay agad na niyang niyaya si Toper bumaba. I had no idea if Mama and Loey came back. Hindi pa ako bumababa ulit mula nang pumanhik kami kanina ni Toper.
Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin ulit. Ngayong alam ko na ang gusto niyang gawin sa natuklasan, parang hindi ko na yata kakayanin pang humarap sa kanya ulit. Baka mapahagulgol na lang ako. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong magmakaawa sa kanyang huwag niyang kunin sa akin si Kristen.
And that would be selfish of me. Tatlong taon ko nang ipinagkait sa kanila ang oras na dapat ay nailaan nila para sa isa't isa. I don't think I even deserve to cry over handing my daughter to her father.
Lalo na kaninang nakita ko kung paano magningning ang mga mata niya habang nakatingin sa Papa niya. She couldn't take her eyes off of her father. I don't think she's even blinking whenever Toper talks. Na para bang kapag kumurap siya ay baka mawala na lang bigla ulit ang Papa niya.
She listened to every word he said. She even called him "Papa" a lot more than she should have, which she never did with me.
I only fully realized now that she needed a father more than I had ever thought. Ang akala ko noon, sa tuwing nagtatanong siya ay produkto lamang ng kuryosidad niya. Ang akala ko ay gusto lang niyang malaman kung sino ang Papa niya.
But no. She needed a father. She needed her father. She was still so young and she was at the age when she needed a father the most.
Kahit pala ano'ng gawin ko, hindi pala sapat na may Lola, Mama at supportive na Tita siya. Hindi pa rin pala ako sapat. Ganito rin ba ang naramdaman ni Mama nang malaman niyang hinahanap ko ang tatay ko?
Ibang klase ng sakit ang lumukob sa buong pagkatao ko. I wanted to be my daughter's everything. But apparently, I couldn't be enough. I am still not enough.
Nang tuluyan kong maisara ang baby bag ni Kristen, tuluyan na ring kumawala ang sama ng loob na kanina ko pa kinikimkim.
Napahagulgol na ako ng iyak. Tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko para pigilan ang sarili pero mas lalo lang nagwala ang mga luha ko. Naisubsob ko ang nakatakip na mukha sa baby bag at doon umiyak nang umiyak. I could hear my daughter's laughter from downstairs, and it made the pain worse.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...