Chapter 7

728 47 8
                                    

Chapter 7

Napangisi na naman ako nang makita ang repleksiyon ko sa salamin. Suot ko na ang lumang jersey ni Toper na pinahiram niya sa akin noon.

Hindi ko alam kung sinusuportahan ba ako ng tadhana sa pang-iinis sa kanya. Pero sa lahat naman kasi ng nadampot kong damit para gawing baon for emergency purposes, nasali pa talaga itong jersey niya. Nagsusumigaw ang malaking print ng Suarez sa likod nito at ang numerong tres. Kung anu-ano na naman tuloy ang naiisip kong gawin para asarin siya mamaya.

Ilang taon na ang lumipas pero hindi pa naman iyon lumang tingnan dahil bihira ko lang suotin. Excited na tuloy akong makita ang magiging reaksiyon niya.

Pagkatapos kong magsuklay ay nagpasya na akong lumabas ng banyo. Napanguso ako nang makakita ng hairdryer sa kanyang kama, isang itim na plastic bag at isa pang tuwalya na nakatupi nang maayos.

Kinuha ko ang plastic bag at inilagay doon ang mga basang damit ko. Bitbit ko na iyon at ang aking backpack nang lumabas ako ng kuwarto at bumaba.

Hindi ko alam kung malapit na o lumagpas na ng hatinggabi pero sigurado akong kailangan ko nang umuwi para hindi na naman maghintay si Mama. Hindi ko pa naman siya nai-text kanina na hindi ako agad makakauwi.

Nasa paanan lang ng hagdanan ang coffee corner ni Toper kaya langhap na langhap ko agad ang aroma ng kape habang humahakbang na ako pababa.

Kagaya ko ay nakaligo na rin siya. He must have taken a shower at the common bathroom outside instead of waiting for me to finish in his room. Basa pa ang kanyang buhok at may kaunti pang tubig na tumutulo pababa sa tuwalyang nasa leeg niya. Nakasuot na siya ngayon ng puting t-shirt at pajama na kakulay ng sweatpants ko. Maroon.

He continued stirring the two cups of coffee habang kunot ang noo at tila may iniisip. Ni hindi niya napansin agad ang presensiya kong palapit na sa kanya. Saka lang niya ako namalayan nang tabihan ko siya at silipin ang kapeng tinitimpla niya.

"Sa 'yo na ang three-in-one. Sa akin ang barako, huh? May mga kailangan pa akong tapusin na trabaho pag-uwi."

Napalingon siya sa akin at bahagyang napaatras dahil sa biglaang paglapit ko sa kanya.

My gaze remained on the coffee he was stirring a while ago. From my peripheral vision, I saw him eyeing the jersey I wore on top of my sweatshirt. Inilapag ko sa gilid ng coffee table ang bitbit kong backpack at plastic bag. Patay-malisyang kinuha ko ang aking kape at naupo na sa mahabang sofa. Kunwari ay hindi ko napapansin ang paninitig niya.

Pinigilan kong mapangiti nang mag-angat ako ng tingin sa kanya. It was hilarious that he couldn't even hide his surprise. Pero nagpanggap pa rin akong hindi iyon napansin. Ang saya niya talagang paglaruan.

"Paano pala ang trophy natin?" I asked after sipping coffee from my cup. Ramdam ko agad ang pagkalat ng init sa aking tiyan. "Where would you display it?"

My eyes darted towards his floating shelf and found a perfect spot for our trophy. Muli akong sumimsim sa aking kape bago iyon inilapag sa coffee table. Dinampot ko ang aming trophy at tumayo para lapitan ang kanyang shelf.

He was still so silent that I heard him heave a sigh when my back finally faced him. He could now perfectly see his surname on the jersey.

I smirked when I stood in front of his shelf.

That's right, Toper. I am wearing your jersey from years ago.

"Bagay siya rito." Sabay lapag ko ng trophy sa tabi ng kanyang certificate. Umatras ako para pagmasdan iyon nang mabuti. Iginilid ko pa ang kanyang swivel chair at umatras pa uli nang kaunti.

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon