Chapter 28

639 46 22
                                    

Chapter 28

Sa lahat ng eksenang dumaan sa utak ko kung kailan at saan itatanong sa akin ni Kristen ang tungkol sa Papa niya, ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko ang nangyari kanina.

Kakagaling ko lang mula sa pagbababad sa dagat at nilalamig pa. Pero mas lalong lumala ang panlalamig na naramdaman ko nang marinig ang tanong niya.

Papa...

It was the first time she ever uttered that word. And it felt and sounded so natural coming out from her lips – as if she had known that word ever since she could remember – that it broke my heart into pieces.

She knew the word 'Papa.' She knew that she, too, like any other kid, had a father. I couldn't imagine how curious she must have been when she realized that, and how long she held back her curiosity. Ngayon lang siya nagtanong kung kailan malapit na kaming bumalik sa Maynila.

I couldn't answer her right away. Gusto kong sagutin siya nang maayos. Mama stayed silent and let me handle my daughter. I was still mentally constructing my answer when she turned her back and started walking away from us.

Napakagat-labi ako habang nakasunod ang tingin sa maliit na bulto niya. Naninikip na naman ang dibdib ko sa bawat hakbang niya palayo sa akin. Just like always. Her back had always looked lonely to me. It wasn't hunched at all, pero sobrang lungkot tingnan na para bang pasan niya ang buong daigdig.

Napabuntong hininga si Mama, nasa anak ko rin ang tingin. "She finally asked, huh?"

Napalunok ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. Nanatili akong tahimik. Hindi ko pa kayang magsalita.

"Palagi niya akong tinatanong, Deb. You know that she is a very curious kid. It had been months. She keeps asking for a picture of her father." Masuyo ang ngiting namutawi sa mga labi ni Mama.

"She loves pictures just like how you were back then. At sa tuwina ay naghahanap siya kung mayroon sa Papa niya."

Nangilid ang mga luha ko sa narinig. I had no idea. Alam kong matalinong bata si Kristen at inasahan ko nang anumang araw ay magtatanong na siya. Hindi ko lang inasahan na ganito kaaga. She wasn't even three yet. At naghahanap na siya?

"You have the same likes and dislikes. Her mannerisms, her attitude, the sharpness of her gaze... Lahat, galing sa 'yo. Pero..." Tumawa siya nang mahina. "Walang bahid ng Beltran sa hitsura niya. Ang lakas ng lahi ng mga Suarez, ano?"

Napatingin ako agad sa kanya, mas lalong nawalan ng kakayahang magsalita.

Mama smiled gently. "I knew, Deb. From the moment Kristen opened her eyes for the first time. Hindi maipagkakaila. It was that boy, right? The owner of the jersey... Danzel's son."

Nag-iwas ako ng tingin. Itinuon ko ang mga iyon sa karagatan sa harap namin habang ramdam ko ang pagngatngat ng konsensiya ko sa akin. Ang dami ko nang inilihim sa mga taong mahalaga sa akin. Masyado nang mabigat sa dibdib.

"Hindi ako galit, anak," malumanay na sabi ni Mama na mas lalong nagpalala sa guilt na nararamdaman ko. "Nagkita pala kayo ulit. Ba't hindi mo sinabi? Were you afraid that I'd get mad because I didn't want to be seen by his father?"

Halos dumugo na ang labi ko sa diin ng kagat ko roon. Tiniis ko ang sakit, huwag lang makita ni Mama na marami akong pagsisisi.

"I still don't want to show myself to Danzel. I'm still not ready. Masyado na akong maraming nailihim sa kanya," aniya pagkatapos ng ilang sandali. "But that doesn't mean na pagbabawalan din kitang makipagkita ulit sa anak niya. His son just happened to be your friend. Walang kinalaman iyon sa amin ni Dan."

Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon