Chapter 38
Lyricbeat promoted their newest album for only a week. They topped the charts on the day of the release and remained on top even after the promotions.
Buong promotional period ay kabi-kabila ang fieldwork ko. Nang matapos ay na-assign din agad sa ibang banda. Sunud-sunod ang binigay na projects sa akin at halos lahat ay mayroong mandatory fieldwork.
Nabawasan ang oras ko sa bahay at ganoon din sa Lyricbeat. Nawalan na rin ako ng oras para isipin pa ang naging huling pag-uusap namin ni Toper.
I couldn't tell Loey about it. Actually, I just wanted to bury it at the back of my mind until eventually, I'd be able to forget it.
Pero sino nga ba ang maloloko ko? Sarili ko lang. Dahil ni minsan ay hindi iyon naalis sa isipan ko. Lalo na ang hitsura niya nang talikuran ko siya. I've said many hurtful things. At hanggang ngayon ay minumulto pa rin ako ng sarili kong mga salita.
Hindi na kami ulit nagkita pagkatapos niyon. Ang alam ko ay napadalas ang pangingibang-bansa niya dahil din sa kabi-kabilang proyekto niya sa trabaho. He had been invited to various events, both related and non-related to mixology. Laman siya ng balita pero hindi dahil doon kaya ko nalaman. Ardo was just annoying to blabber about it whenever I bumped into their group. Halatang pinaririnig sa akin.
Ginugol ko naman ang bawat day off kasama ang pamilya ko. Nagpatuloy ang sessions ni Mama. At kapag nakakaluwang sa schedule ay ipinapasyal namin sila ni Loey.
I never attempted to talk to Mama about when I heard her crying a couple of months ago. Hindi ko maatim dahil alam kong itatanggi niya rin iyon. Kinakain pa rin ako ng konsensiya ko kahit pa ilang beses na niyang sinabi sa akin noon na wala akong kasalanan.
Kaya ang ginawa ko, para makabawi ay pinagbuti ko ang paghahanap sa tatay ko. Sukung-suko na ako sa nakalipas na mga taon pero pinilit ko ulit na simulan sa umpisa.
Binalikan ko ang hunt list na hindi ko akalaing babalikan ko pa. Eight names were on the list. Anim sa mga iyon ang nagtatrabaho pa rin sa Lyrica. Ang isa ay nagretiro na at nang lumaon ay namatay rin dahil sa isang sakit. Ang isa naman ay nag-migrate na papuntang ibang bansa noong mga panahong nasa Orazon ako.
Kinolekta ko ulit ang file ng natitirang anim. At unti-unti ay kinolektahan ko rin ng samples para sa paternity test. Three tested negative, which led me to the last three candidates.
Buong araw naging abala ang mga empleyado ng Lyrica Printing Press. Sa nakaraang linggo ay ginanap ang National Music Magazine Awards at MusicBinder and nakasungkit ng Music Magazine of the Year. The last time our magazine got that prestigious award was twenty-eight years ago. Magkakaroon ng selebrasyon kaya mabilis naming tinapos lahat ng mga deadline na kailangang habulin para makapagsimula sa preparasyon.
Okupado namin ang XYZ Hall sa pinakamataas na palapag ng building. Hapon nang magsimula ang party at inumpisahan iyon sa digital presentation ng history ng Lyrica Printing Press at kung paano nabuo ang MusicBinder.
Sa video pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. This year was the fiftieth year of our magazine and they showed us the staff who had worked here through the years.
Nang i-flash ang lumang picture ni Mama ay agad na dumako patungo sa table ng mga supervisor ang aking paningin. And I hated how they did not even flinch one bit upon seeing her picture. It was only for a brief moment, but I was hoping to see any sign of remorse.
Pero wala.
I could almost taste the resentment on my tongue that I had a feeling that if I wouldn't leave this place early, I might do something that could ruin my plan.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love (SUAREZ SERIES III)
General FictionSuarez Series III: Let's Not Fall In Love A book about staying. Kristoffer Mico Nam Suarez, the third of five Suarez siblings, is a combination of all five. He has Inigo's warmth, Migo's coldness, Asher's playfulness, Czeila's charm and more of his...